Maagang Pamasko Handog Para sa mga BHW at BNS

December 4, 2015 | Lala Esmana

Masayang binati ni Mayor Danny Toreja ang mga BNS at BHW sa kanilang Christmas Party.
Masayang binati ni Mayor Danny Toreja ang mga BNS at BHW sa kanilang Christmas Party.

Click here for more photos.

Maagang pamasko ang handog para sa mga Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholar mula sa Pamahalaang Bayan ng Ibaan sa pamumuno ni Mayor Juan “Danny” Toreja at SB Members katulong ang tanggapan ng MSWD, December 1, 2015.

Dinaluhan ng mga BHW at BNS mula sa iba’t ibang barangay ang pagdiriwang. Dumagsa din ang mga bisita at regalo pati na rin cash. Naging host ng programa si Gng. Digna Cortez, kabilang sa mga naging bisita sina Vice Governor Mark Leviste, Bokal Mabel Virtusio na parehong kasalukuyang nagsisilbi sa ating probinsya. Dumating din ang ilang kandidato na sina JP Gozos, Dr. Gerald Alday, Jessie De Veyra at Atty. Patron. Nagpaunlak naman ng mga mensahe ang butihing Mayor Juan “Danny” Toreja, Vice Mayor at mga Konsehal. Dumalo din si Dr. Agnes M. Chua MHO na may dala ding regalo.

Pagkatapos magbigay ng mensahe ang mga bisita ay masayang ipinamahagi ang mga regalo at nagsalo- salo sa mga pagkaing inihanda.

Lahat ay umuwing may ngiti sa labi sa mga regalong kanilang natanggap.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s