Swine Production Management Seminar Sa Brgy. Sabang

November 10, 2015 | Avegai Alday and Lala Esmana

ethel salazar ibaan agriculture swine production management sabang cooperative ibaan batangas mayor danny toreja 1
Ibaan Municipal Agriculturist Ethel Joy Caiga – Salazar habang tinatalakay ang ilan sa mga BUB Projects na nakahanda ng ipatupad ng kanyan opisina.

Sa pangunguna ni Municipal Agriculturiest Ethel Salazar at mga kasamahan, isang seminar tungkol sa tamang pag-aalaga ng baboy ang isinagawa na dinaluhan ng mga miyembro ng Sabang Multi-Purpose Cooperative. Ginanap ito sa gusali ng nasabing kooperatiba, Nobyembre 10.

Ang mga naimbitahan na tagapagsalita ay sina Gng. Amy M. Gonzales- Eguia, Section Chief, Career Development and Management Services at Dr. Bong Galvan, Training Specialist ng “Agricultural Training Institute, International Training Center on Pig Husbandry(ATI-ITCPH) sa Marawoy, Lipa City.

Nagbigay ng tips si Gng. Amy sa paghihiwalay ng inahin sa biik. Ayon sa kanya, dapat na ihiwalay ang inahin at huwag ang mga biik.

 

ethel salazar ibaan agriculture swine production management sabang cooperative ibaan batangas mayor danny toreja 7
Gng. Amy Gonzales – Eguia, Section Chief ng Career Development And Management Services.

Ilan pa rin sa mga payo niya ay ang mga sumusunod:

  • Ilipat ang mga biik sa kulungan makalipas ang 3-5 araw .Iwasang paghaluin ang mga biik galing sa iba’t-ibang inahin sa unang linggo
  • Bigyan ng tamang espasyo kada biik.Malinis at bagong tubig imunin.
  • Igrupo ayon sa laki.
  • Ikonsidera sa pagpapakain ang sanay na sa “Solid Feed” sa araw ng walay
  • Bawasan ang pakain ng pakonti-konti sa bawat pagpapakain mula sa araw ng pagwawalay.
  • Gumamit ng “mash growing feeds” sa pagpapakain. Sundan ito ng “Ad Libitum Feeding” kapag tumimbang na ng 20 – 25 kilo ang biik.
  • Bigyan ng sapat na espasyo upang hindi ma-stress ang mga biik. Hindi dapat maging over-crowded ang kulungan ng baboy.
  • Siguruhin na mayroong tubig at tama ang oras ng pagpapakain.

Nagbigay din ng payo si G. Amy tungkol sa pagbibyahe ng biik:

  • Dagdagan ang bitamina at electrolytes na pinapakain dalawa o tatlong araw bago sila ibyahe;
  • Ibyahe sa pinakamalamig na oras ng araw ang mga biik;
  • Iwasan na masaktan ang mga biik;
  • Huwag buhatin ang biik sa pagkakarga sa sasakyan. Hayaan na maglakad ang mga ito patungo sa sasakyan;
  • Iwasan na mabasa ang mga biik upang hindi magkasakit;
  • Kinakailangan na may sapat na bentilasyon ang sasakyan at walang direktang sikat ng araw ang tatama sa mga biik;
  • Lagyan ng straw o anuman ang sahig ng sasakyan bilang proteksyon sa binti at paa ng mga biik mula sa lamig;
  • Lagyan ng dibisyon ang sasakyan upang maiwasan ang pagsisiksikan at paghiwalayin ang mga biik ayon sa laki ng mga ito;
  • Dapat na hindi busog ang mga biik sa oras ng biyahe, subalit siguraduhin na may tubig silang maiinom.
ethel salazar ibaan agriculture swine production management sabang cooperative ibaan batangas mayor danny toreja 3
Mga miyembro ng Sabang Multipurpose Cooperative na nag-aalaga ng baboy.

Dagdag pa niya, “Kapag bagong bili ang biik ito ay pagod, gutom, at uhaw kaya ang dapat gawin ay linisin at idisinpekta ang kulungan bago dumating ang mga biik. Siguruhin na may tamang espasyo sa mga biik. Iwasan ang sobrang dami, ihiwalay ang mahihina at igrupo ayon sa laki nito at abot dapat ang painuman at pakain. Restricted feeding sa mga unang araw, unti-unting paglilipat ng klase ng pakain sa loob ng isang linggo— maliliit na biik.  Mas sensitibo ang bituka sa pagpapalit ng pakain, 3 – 6 litrong tubig ang ilaan kada kilo ng pakain. Kapag pipili o bibili ng biik dapat galing sa kilalang babuyan, bilog ang pigi, hindi matamlay at maganda ang balahibo.”

Sa ikalawang bahagi ng seminar, tinalakay ni Dr. Bong Galvan ang mga sakit na tumatama sa mga alagang baboy. Base sa kanyang pag-aaral, Diarrhea ang pangunahin dito.

Upang maiwasan ang Diarrhea, dapat ay regular na maaayos at nalilinis ang kulungan, tamang pagpapainom ng gatas, at sapat na pagbabakuna sa inahin“, dagdag pa niya.

Click here for video.

Ayon pa sa kanya, mayroong mga “specific disease condition” na tumatama sa baboy. Ito ay ang mga ColibacillosisEscherichia Coli, Transmissible Gastro Enteritis (TGE), Corona Virus, Swine Dysentery, Hyodysenteri Tresponema , ganun din ang Hemorrhagic Lawsonia Intracellularis. At para maiwasan o makontrol ang mga ito, kailangan umano na maaliwalas ang kapaligiran, may tamang temperatura, at mayroong bakuna ang mga biik.

Tinalakay din sa nasabing seminar ang iba’t ibang pamamaraan ng Animal Wast Management. Layunin nito na mabawasan ang degradation ng natural resources, upang ma-recover at magamit ang mga valuable fertilizer at iba pang component, upang maprotektahan ang lupa, hangin, at tubig, at upang maging maayos ang pagtrato sa mga potential toxic material tuad ng copper, zinc, at anti-biotics.

 

Sa pagtatapos ng seminar, umaasa si Municipal Agriculturist Ethel Salazar na mas magiging maayos ang pangangalaga ng baboy sa bayan ng Ibaan lalo na ang mga may backyard pen.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s