Sabang Elementary School, 1st Place Sa Gulayan Sa Paaralan – Area Level

Lubos ang saya ng mga guro ng Sabang Elementary School sa kanilang pagwawagi at makakuha ng Unang Pwesta sa patimpalak na Gulayan Sa Paaralan ng Department Of Education - Area Level.
Lubos ang saya ng mga guro ng Sabang Elementary School sa kanilang pagwawagi at makakuha ng Unang Pwesta sa patimpalak na Gulayan Sa Paaralan ng Department Of Education – Area Level. Nasa ikalima mula sa kaliwa ang kanilang Prinicipal na si Teacher Norma Cantos.

November 16, 2015 | Avegail Alday

Si Gng. Norma Cantos, Principal I ng Sabang Elementary School ay nagbahagi kung paano sila nanalo bilang 1st Place sa Area Level Competition ng Gulayan Sa Paaralan, November 16.

“Ang gulayan sa paaralan ay isang programa ng Department of Education na kung saan naglalayung matugunan ang pangangailangan ng paaralan para sa School Feeding Program. Sa paraang ito matuturuan din ang mga bata kung paano nila mapapaunlad ang mga munting lupain sa kanilang hardin o sa kanilang bakuran at ang mga ani sa mga halamang kanilang itinanim ay ginagamit din nila upang malaman ng Entreprenuerial Skills ng mga mga-aaral.”

“Ang paaralan ay binubuo ng 9082 sq. m. at ang 385 sq.m ay ginagamit naman para sa kanilang gulayan sa paaralan. Makikita dito ang pagsasama- sama ng mga mag-aaral, mga magulang, guro, PTA Officers, Sangguniang Bayan, sa pamamagitan ng Ibaan Municipal Agriculture Office na si Gng. Ethel Joy Salazar at Mayor Juan “Danny” Toreja. At pinagtulungan din ito ng mga Barangay Tanod at Officials, Ibaan Organic Farmers Association President na napakalaki ng tulong sa na si G. Vic Gamboa.”

Ang Sabang Elementary School ay gumagamit ng organic fertilizers tulad ng vermicast na binuo ng mga bulate. Nagmula naman ang mga bulate sa Municipal Agriculture Office at kay G. Vic Gamboa. Iba’t iba namang halamang gulay ang matatagpuan sa kanilang hardin tulad ng talong, okra, petchay, papaya, kamoteng kahoy at baging, at upo. At upang mapangalagaan ang mga halaman mula sa mga insekto, nagtanim din sila ng mga tinatawag na “sacrificial plant”. Dito dumadapo ang mga insekto sa halip na sa mga halamang gulay.

“Ang gulayan sa paaralan ay isa sa mga strands ng School Base Management Program na kung saan ang pamunuan ng paaralan ay nagsasagawa ng iba’t ibang programa para sa pagtataguyod hindi lamang ng kaalaman ng mag-aaral kundi ng kanilang kaunlarang pangkalusugan.”

Una ng nanalo ang Sabang ES bilang champion sa District Search sa Best Gulayan sa Paaralan kung saan nakipagtagisan sila laban sa mga paaralan sa bayan ng Ibaan. Muli silang nagwagi sa Area Level noong November 12. Mga paaralan  naman mula sa bayan ng  San Jose, San Juan, Rosario, Padre Garcia at Taysan kanilang nakatunggali. Nanguna sila sa Category C o sa mga paaralan na mayroon 250 – 399 bilang ng estudyante.

Naniniwala din si G. Cantos na ang paggamit nila ng organic fertilizer ang siyang pangunahing dahilan upang magwagi sila Area Level ng kompetisyon.

Muli nagpapasalamat sila sa lahat ng tumulong sa kanila dahil kung hindi dahil sa mga tulong ay hindi sila magiging champion.

Click here more of Sabang ES Teachers’ photos.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s