Seminar Para sa Tamang Nutrisyon, Isinagawa Ng MHO

November 20, 2015 | Lala Esmana

Photo source: foodandhealth.com
Photo source: foodandhealth.com

Ang Ibaan Municipal Health Office ay nagsagawa ng apat na araw na seminar tungkol sa Promotion on Good Nutrition sa pangunguna ni Municipal Health Officer Dra.Agnes M. Chua sa Ibaan District Hall,November 16- 19.

Photo source: www.pinterest.com
Photo source: http://www.pinterest.com

Kasama niya sa aktibidad na ito sina Nurse II Gng. Constancia P. Caro, at Midwife II Gng. Anita P. Untalan, bilang mga facilitator ng nasabing seminar. Ang programang ito ay isang pagtitipon ng mga Barangay Nutrition Scholars o BNS mula sa Brgy. Catandala, Mabalor, Salaban 2 at Bungahan na sinamahan ng Lapu-lapu at Poblacion. Nakasentro ang seminar sa pag aaral ng tamang nutrisyon kung saan tinalakay ang tamang breastfeeding at ang kahalagahan nito. Kasama din dito ang pagtalakay sa mga karaniwang nagiging problema o kadahilanan kung bakit hindi nakakapag-breast feed ang isang ina, ganun din ang tamang pamamaraan ng pagsasagawa ng breast feeding.

Kasama rin sa tinalakay ang kahalagahan ng tamang pagkain katulad ng variety o recommended na pagkain o food plate. Marapat umano na maraming gulay at prutas ang kainin para sa mas maraming nutrients tulad ng protein at carbohydrates.

Dito rin ay tinalakay ang kahalagahan ng pagkain ng itlog at kung ano ang magagawa nito sa kalusugan ng isang bata, pati na rin sa matanda. Dagdag pa dito ang pagtalakay ng complementary feeding kung saan inalam kung kailan dapat bigyan ng solid food ang isang bata at kung anong magandang gawing complementary feeding, paghahanda ng mga nutritious.

Ayo pa sa mga facilitator, mayroong mga pagkain na nasa ating tahanan na hindi natin umano nalalaman ang kanilang nutritional values kung kayat nagsagawa ang mga BNS ng demonstration at workshop upang higit na malaman ang mga tamang nutrisyon na dapat na nakukuha ng isang bata sa mga pagkain.

Sa ating panayam, ipinahayag naman ni Dra.Agnes Chua ang nutritional status ng Ibaan sa buong Probinsya ng Batangas. Ayon sa kanya, sa 31 bayan at 3 syudad sa Batangas, ang Ibaan ay nasa ika-26 sa level of nutrition na ang ibig sabihin ay kakaunti lamang ang bilang ng mga malnourish na bata ganun ang mababang bilang ng mga underweight.

Sa kasalukuyan, patuloy na binibigyang pansin ang programang ito upang mas tumaas pa ang level ng nutrisyon at higit na mabawasan ang bilang, lalong higit, ng mga severe underweight. At upang ma-monitor ito, patuloy ang mga BNS sa pagsasagawa ng buwanang pagtitimbang ng mga bata sa kani-kanilang barangay.

Kaagapay naman ang Municipal Social Welfare And Development Office (MSWDO) sa pagsasagawa ng mga feeding program upang matugunan ang kakaunti lamang na problema sa malnutrisyon.

Nanawagan din si Dra. Chua sa mga kababayan na ipagbigay alam sa kanilang tanggapin ang ano man impormasyon sa bata maaari nilang nawaglit sa pagmo-monitor ng nutrisyon. Agad umano nila itong pupuntahan sa pamamagitan ng mga BNS   upang matutukan at matugunan din ang mga pangangailangan ng mga malnourish na bata sa bayan ng Ibaan.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s