Kap. Reuter Endaya: “Wala po akong natatandaan na hindi naging successful ang Ugnayan sa Barangay”

November 19, 2015 | Lala Esmana and Avegail Alday

(Seated from left) Rico Caringal, ABC President Armando Gutierrez, Brgy. Tulay Chairman Reuter Endaya, Vice Mayor Sixto yabyabin, Mayor Danny Toreja, Coun. Soc Arellano, and Dr. Alday. Kasama din sa larawan na bandang likuran si Julius Panaligan (nakatayo sa kaliwa) at iba pang barangay functionaries.
(Seated from left) Rico Caringal, ABC President Armando Gutierrez, Brgy. Tulay Chairman Reuter Endaya, Vice Mayor Sixto yabyabin, Mayor Danny Toreja, Coun. Soc Arellano, and Dr. Alday. Kasama din sa larawan na bandang likuran si Julius Panaligan (nakatayo sa kaliwa) at iba pang barangay functionaries.

Tulad ng ibang barangay muling binisita ng Ugnayan sa Barangay sa isang komunidad ng Tulay Ibaan Batangas, November 19, kung nagpahayag ng kanyang saloobin si Kap. Reuter Endaya at iba pang mamamayan tungkol sa Ugnaya Sa Barangay na programa ng Pamahalaang Bayan ng Ibaan sa pangunguna ni Mayor Danny Toreja.

Kap. Reuter Endaya ng Brgy. Tulay Na Patpat, Ibaan, Batangas.
Kap. Reuter Endaya ng Brgy. Tulay Na Patpat, Ibaan, Batangas.

Ayon kay Kap. Reuter, nasa ikalawang termino bilang Chairman ng Brgy. Tulay, apat na beses na umanong isinagawa ng Pamahalaang Bayan ang Ugnaya Sa Barangay sa kanilang lugar kung saan, ayon pa rin sa kanya, “marami pong magagandang nangyari”.

“Wala po akong natatandaan na hindi naging successful ang ugnayan sapagkat ito ay malaking tulong sa aking mga nasasakupan dito. Dahil sa halip na pupunta pa sila duon sa bayan ang munisipyo na sa pamamagitan ni Mayor Juan “Danny” Toreja, ni Vice Mayor Sixto Yabyabin kasama ang mga Konsehal, ang mga nagtatrabaho sa munisipyo ay sila na ang pumupunta dito para dito gawin para hindi na mag-abala ang aking mga kabarangay. Napakalaki ng naitutulong ng bagay na ito sapagkat nga matapos ang halos apat 4 na beses na naririnig ko ang mga feedback ay maganda.”

Nagpahayag din siya ng pasasalamat kay Mayor Danny Toreja sa pagtuloy na pagdadala ng programa sa kanyang nasasakupan.

Isa si Gng. Jinky sa nagpapasalamat sa serbisyong hatid ng Ugnaya sa Barangay habang kinapanayam ni Avegail Alday ng Municipal PIO.
Isa si Gng. Jinky sa nagpapasalamat sa serbisyong hatid ng Ugnaya sa Barangay habang kinapanayam ni Avegail Alday ng Municipal PIO.

“Ako ay nagpapasalamat sa ating Butihing Mayor Danny Toreja sa kasamahan sa serbisyo, serbisyong publiko duon ako naniniwala. Maraming tao ang umaattend, nakikiisa sa ugnayan at wala na syang idadagdag pa at kung maiimprove pa ay mas maganda. Sana hindi mawala ang Ugnayan na ito, sinimulan ito ni Mayor at sana hindi na ito mawala.”

Ayon naman sa isang residente ng barangay na si Gng. Jinky, 32, dalawang beses na umano siyang nakaka-attend ng Ugnayan Sa Barangay.

"Malaki ang naitutulong ng Ugnayan Sa Barangay", Gng. Yoland, 59.
“Malaki ang naitutulong ng Ugnayan Sa Barangay”, Gng. Yoland, 59.

“Malaki ang naitutulong ng ugnayan sa barangay dahil sa naipacheck- up ko ang aking anak at ang aking ipinagbubuntis, nakakakuha din kami ng libreng gamot, mga halaman at naiiparehistro ko rin ang aking mga anak.” 

Isa pang residente ang nagpahayag ng kanilang saloobin tungkol sa ugnayan ay si Gng. Yolanda na 59 taong gulang.

“Napakalaki ng tulong ng ugnayan na ito sa kanila sapagkat dito nakakakuha kami ng gamot at pananim at nakakapagpacheck- up kami ng libre. Hindi na rin namin kailangan pang pumunta sa bayan upang duon magpatingin.”

Mula naman sa Agriculture Office, nakapamahagi sila ng 70 vegetable seeds, 40 seedlings, 20 vermicast, 30 calamansi na punla. Nakapagbakuna din sila ng  8 aso kontra rabbies.

Nagkaroon naman ng 50 pasyente ang mga dentista at 205 naman ang nabigyan ng libreng gamot.

Isa lamang ang pamimigay ng libreng gamot sa maraming serbisyo na hatid ng Ugnaya Sa Barangay.
Isa lamang ang pamimigay ng libreng gamot sa maraming serbisyo na hatid ng Ugnaya Sa Barangay.

Ang “Ugnayan Sa Barangay” ay isang proyekto ng Pamahalaang Bayan kung saan nagtutungo sa barangay ang mga departamento o opisina ng munisipyo upang direktang maihatid ang mga serbisyo o “basic services”, lalong higit ang may direktang transaksyon sa mga mamamayan. Nasa ikalimang taon na ang nasabing proyekto na sinimulan ni Mayor Danny Toreja noong 2011.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s