69 Miyembro Ng 4Ps, Tumanggap Ng Benepisyo

November 17, 2015 | Lala Esmana

File photo mula sa mga naunang pamamahagi ng benefits ng 4Ps sa Ibaan.
File photo mula sa mga naunang pamamahagi ng benefits ng 4Ps sa Ibaan.

Animnapu at siyam na miyembro ng Pantawid sa Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang nabiyayaan muli ng tulong mula sa nasabing programa, November 17.

Ang mga naging benipisaryo ay mula sa iba’t ibang barangay ng Ibaan na wala pang ATM kaya’t sila ay nakatanggap ng halaga “over-the-counter” (OTC) na ang ibig sabihin ay “cash” nila itong tinanggap. Kaagapay ang Punong Bayan Danny Toreja, ito ay sa pangunguna pa rin ng tanggapan ng MSWD na pinamumunuan ni Gng. Irene Torres.

Sa kasalukuyan ay nasa 1,696 na ang bilang ng mga beneficiaries ng 4Ps sa Ibaan. Mula sa bilang na 1,526 noong buwan ng Agosto, muli silang nadagdagan ng 170 miyembro matapos na  mag-update ang nasabing tanggapan.

Sa pahayag naman ni Mayor Danny Toreja, tina-target umano niya na umabot sa 5,000 ang bilang ng miyembro ng 4Ps sa Ibaan. Sa kaniyang paniniwala, sa ganitong bilang, ilang milyong halaga din ng pananalapi ang makarating sa Ibaan mula sa gobyernong nasyunal.

“Malaking tulong ang halagang ito na iikot sa ekonomiya ng ating bayan buwan-buwan at lahat dito ay makikinabang”, dagdag pa ni Mayor Toreja.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s