Senior High School Registration, Sinimulan Ng DJAPMNHS

November 9, 2015 | Lala Esmana and Avegail Alday

Dr. Nenita Adame, DJAMPNHS Principal II
Dr. Nenita Adame, DJAMPNHS Principal II

Pagkatapos ng ilang mga pagpupulong at kaalaman tungkol sa pagkakaroon ng karagdagang curriculum sa high shool na tinawag na Senior High School Program, ang Dr. Juan A. Pastor Memorial National High School ay nagdaos ng Early Registration Kick- Off Ceremony, November 9, 8:30 ng umaga. Ito ay pinamumunuan ni Bb. Emiliana Roxas, District Supervisor at Dra. Nenita Adame, Principal II , kasama ang buong staff ng nasabing eskwelahan.

Ang Senior High School Program ay ang K-12 na programa ng Department of Education para sa karagdagan 2 taon ng pagpasok ng mga kabataan na nakakumpleto ng Junior High School o Grade 7-10. Ito rin ay isang paghahanda para sa mga kabataan upang malaman at magkaroon ng magandang oportunidad kung saan sila nararapat.

Nasa 670 bilang ng estudyante Junior High School sa kasalukuyan ang nakatakdang magparegister mula November 9- 13 para sa Senior High School Program. Simula ng registration at ang mga estudyante ay kailangan lang magsumite ng application form.Nakasaad sa nasabing application form ang first at second choice kung alin sa mga tracks na gusto ng estudyante pati na rin ang eskwelahan na gusto nilang pasukan.  Ang hindi makaabot sa nasabing registration ay maaaring magregister sa online.

Nakapaloob din dito  ang iba’t ibang Academic Tracks tulad ng GAS (General Academic Strand) na may 9 na subjects, HUMSS (Humanities and Social Science Strand) na may 9 na subject, STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics Strand) na may 8 subjects, at meron ding Technological and Vocational Livelihood Tracks na ang pag-aaralan ay tungkol sa Home Economics, Information and Communication Technology, Agri- Fishery Arts at Industrial Arts. Ang lahat ng nabanggit ay ino-offer ng eskwelahang ito maliban lamang sa Sports at Arts and Design Tracks na kung may estudyanteng interesado ay pwedeng magparegister sa Bolbok Sports Complex.

Ayon sa isang guro na si G. Robert Aguila ESP I Grade 10 Teacher ang DJAPMNHS ay naghahanda para sa nasabing Senior High School Program.  Handa na din ang lahat ng curriculum para dito. Ang 4 na palapag na may 24 na silid- aralan na sisimulang itayo sa Disyembre at nakatakdang matapos hanggang Hulyo. May 17 na ring aplikante na gustong magturo sa kasalukuyan. Maaaring sila ay part time o Full time provided na sila ay qualified and highly competent teachers, professionals, practitioners, and expert at may kaalaman sa apat sa tracks na nabanggit. Pinag-uusapan pa ang pagkakaroon ng bagong uniform na susuotin ng mga estudyante.

More photos.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s