Kap. Gilbert Kalalo: Lubos akong nagpapasalamat sa Pamahalaang Bayan at nabigyang pansin ang pangangailangan ng aking mga ka-barangay”

Kapitan Gilbert Kalalo taos pusong nagpapasalamat sa Lokal na Pamahalaan ng Ibaan at mga kabarangay
Hiniling din ni Kap. Gilbert Kalalo sa kanyang ka-barangay na magtulong-tulong at magsama-sama sa lahat ng mga gawain upang matupad ang mga mithiin ng barangay at ng bayan.

November 5, 2015 | Lala Esamana and Avegail Alday

Tulad ng ibang barangay, muling binisita ng “Ugnayan Sa Barangay” ang komunidad ng Brgy. Sto. Nino, Nobyembre 5.

Dito, nabigyan tayo ng pagkakataon na makapanayam si Barangay Chairman Gilbert Kalalo at iba pang mamamayan hinggil sa kanilang saloobin tungkol sa Ugnayan Sa Barangay.

Nasa unang termino at ikatlong taon  ng panunungkulan si Kap. Gilbert bilang Barangay Chairman ng Sto. Nino na nahalal noong 2013.

Base sa kanyang obserbasyon, malaking bagay ang proyektong Ugnayan Sa Barangay. Malaki ang naitutulong nito sa kanyang komunidad lalo pa’t may kalayuan din ang kanilang lugar sa bayan.

“Idinadaos sa araw na ito ang Ugnayan sa Barangay at ito ay pangalawang beses ng ganitong gawain sa aming barangay. At para naman sa mga benepisyo o yung mga naging magandang resulta, ang ugnayan ay nakakatulong sa aking mga kabarangay upang sila ay mapaglingkuran at mapagsilbihan ng iba’t ibang departamento ng ating munisipyo o ng ating pamahalaang bayan, at dahil na rin bilang isang barangay na malayo sa bayan, ay natutulungan ang mga kabarangay ng ano mang pangangailangan nila ay naiibigay sa ganitong gawain.”

Isang residente ng brgy. Sto. Nino habang nagpapahayag ng kanyang pasasalamat sa serbisyong hatid ng lokal na pamahalaan.
Isang residente ng brgy. Sto. Nino habang nagpapahayag ng kanyang pasasalamat sa serbisyong hatid ng Ugnayan Sa Barangay.

“Ang mensahe ko po sa aking mga kabarangay bilang isang namumuno o bilang isang kapitan, lagi ko pong hinihiling sa inyong lahat na kailangan nating pagtulung- tulungan o pagsama- samahan at ating gawin ang ating mga tungkulin bilang mamamayan sa ating barangay upang matupad natin ang ating minimithi na kaunlaran ng ating bayan.”

Nagbigay din siya ng mensahe sa Punong Bayan na si Mayor Danny Toreja.

Ang mensahe ko naman sa pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Mayor Juan “Danny” Toreja tungkol sa ugnayan na ito ay ” Lubos akong nagpapasalamat dahil binibigyang pansin ang kanilang pangangailangan lalong- lalo na ang aking mga kabarangay at maging ang mga taong nangangailangan ng tulong”.

Ayon naman sa isang residente ng barangay na si Gng. Dianne Morfe, 27 taong gulang, malaking tulong ang Ugnayan Sa Barangay lalo na sa kalusugan ng kanyang dalawang anak.

“Malaki ang naitutulong ng Ugnayang ito dahil nache-check up ng ayos ang aking mga anak kesa naman pupunta pa ng bayan at mamasahe pa po. Ako po ay dalawang beses ng laging umaattend dito”.

Isa pang residente ang nagpahayag ng brgy. Sto . Nino ang nagpahayag ng benepisyong kanyang matanggap sa lokal na pamahalaan.
Isa pang residente ang nagpahayag ng pasasalamat sa benepisyong natatanggap mula Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng Ugnayan Sa Barangay. 

Nagpahayag di ng kanyang saloobin si Gng. Julia Delgado, 62 taong gulang.

“Marami pong benepisyo ang nakukuha namin dahil sa ugnayang ito katulad po ng napacheck- up ko ang aking mga anak, namonitor po ang blood sugar ng aking asawa, nakakuha ng abono sa agriculture at pananim. Nakakapag- pagupit ng libre at higit po sa lahat naunawaan namin ang tungkol sa Life Plan Pensioners na noong una ay hindi namin alam. Nabigyan din po  kami ng gamot para sa aming mga sakit, kaya’t kami po ay nagpapasalamat sa inyo”.

Ang Municipal Health Office ay nagtala ng may pinakamaraming  bilang ng napagsilbihan base na rin sa listahan ng mga komunsulta sa doktor at nabigyan ng gamot. Sa kabuuan, umabot sa 179 na pasyente ang kanilang naging kliyente sa araw na iyon. Bukod pa dito ang 12 katao na nakunan nila ng FBS.

Mula naman sa Agriculture Office, nakapamahagi sila ng 75 vegetable seeds, 30 vegetable seedlings, 20 vermicast, 30 calamansi na punla. Nakapagbakuna din sila ng 11 aso kontra rabbies.

Ang Ugnayan Sa Barangay ay sinimulan ni Mayor Danny Toreja noong 2011. Kaakibat nito ang kanyang layunin na direktang maihatid at mailapit sa komunidad ang serbisyo ng mga departamento ng munisipyo.
Ang Ugnayan Sa Barangay ay sinimulan ni Mayor Danny Toreja noong 2011. Kaakibat nito ang kanyang layunin na direktang maihatid at mailapit sa komunidad ang serbisyo ng mga departamento ng munisipyo.

Nagkaroon naman ng 50 pasyente ang mga dentista at 36 sa mga ito ang nabunutan. Ganun pa man, 14 sa kanila ang hindi nabunutan dahil na rin sa pagiging highblood na mga ito. Pinayuhan naman ang iba magpa-pasta na lamang upang masagip pa ang kanilang ngipin.

Bukod sa mga naunang nabanggit, mayroon ding libreng gupit at manicure. Nakapagtala sila ng 45 at 24 na bilang ng napagsilbihan ayon sa pagkakasunod.

Ang “Ugnayan Sa Barangay” ay isang proyekto ng Pamahalaang Bayan kung saan nagtutungo sa barangay ang mga departamento o opisina ng munisipyo upang direktang maihatid ang mga serbisyo o “basic services”, lalong higit ang may direktang transaksyon sa mga mamamayan. Nasa ikalimang taon na ang nasabing proyekto na sinimulan ni Mayor Danny Toreja noong 2011.

_____________________

C360_2015-07-31-08-18-25-726

Ms. Lala Esmana is one of the Staff Writers at Ibaan Municipal Public Information Office. She started her job at the said office in August 2015. She’s a graduate of Bachelor of Science in Customs Administration and has been with the government service since January 2014.

For any events or activities in your area and barangay which you think are worth the news, feel free to contact Ms. Lala. You can also find her on Facebook.

Ms. Avegail Alday is one of the Staff Writers at Ibaan Municipal Public Information AveOffice. She started her job at the said office in October 2015. She’s a graduate of Bachelor of Science in Business Administration Major in Business Economics.

For any events or activities in your area and barangay which you think are worth the news, feel free to contact Ms. Ave . You can also find her on Facebook.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s