Tatlong BUB Projects Para Sa Kababaihan At Miyembro Ng 4Ps, Ipapatupad

Gng. Ethel Salazar at mga kababaihan pursigidong magsagawa ng dagdag na pagkakakitaan.
Katuwang ang Punong Bayan, patuloy na naghahanap ng mga proyektong pangkabuhayan ang Municipal Agriculture Office sa pangunguna ni Gng. Ethel Joy Caiga-Salazar kung saan inaasahan na pangunahing makikinabang ay ang mga kababaihan at mga miyembro ng 4Ps. Sa kasalukuyan, tatlong proyekto ang inaasahang agad na maipatutupad para sa mga nabanggit.

Sa harap ng mga miyembro ng Kababaihan at 4Ps, masayang inihayag ni Gng. Ethel Joy Caiga – Salazar sa isang pagpupulong, October 26, na mula sa resulta ng nakaraang Bottom-Up-Budgeting  2013, mayroong tatlong proyektong pangkabuhayan ang binigyan na ng pondo ng national government, partikular ang Department of Agriculture, ang nakatakdang ipatupad sa bayan ng Ibaan sa susunod na taon

Ayon pa sa kanya, may P800,000.00 halaga ng pondo ang nakalaan para sa tatlong proyekto tulad ng Honeybee, Food Processing at Vermiculture.

Sa Honeybee Production, inaasahan na makikinabang dito ang may labing-siyam na miyembro mula sa grupo ng kababaihan at 4Ps. Sa tulong ng isasagawang training na pangungunahan ng Municipal Agriculture Office, maaring magsimula ang isang benepisaryo ng proyekto sa limang kahon ng laywan. Mabilis umano itong mapaparami o madali itong madodoble dahil na rin sa pagiging masipag ng laywan sa paggawa ng pulot-pukyutan. Buwan din umano ng Oktubre hanggang Marso ang tamang panahon para sa ganitong proyekto.

Ikalawang proyekto ang Vermi- composting kung saan ituturo ang paggagawa ng organikong abono o pataba sa mga halaman. Mula sa salitang vermi, na ang ibig sabihin ay bulate, at cast naman ay dumi ng hayop tulad ng baka kambing at manok, ang mga maaring pagkunan ng organikong pataba. May 25 ang maaring makikinabang sa proyektong ito.

Pagdating naman sa Food Processing, isa sa mga ituturo sa posibleng bennepisaryo ang paggagawa ng banana chips, peanut butter, meat processing, fish processing, paggagawa ng sardnes at iba pang mga condiments. Dito, maaring gamitin ang mga bubog na bote o mga garapon.

Ang mga proyekto ay bukas sa lahat na nagnanais na maka-avail ng mga ito. Mga kababaihan at mga miyembro ng 4Ps ang inaasahan na pangunahing mabibigyan nito.

Ang mga nasabing proyekto ay isa sa mga paraan ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Danny Toreja na maging produktibo ang mga miyembro ng komunidad. Sa isa-isang miyembro ng komunidad na magkakaroon ng kabuhahayan, malaki ang magiging epekto nito sa ekonomiya ng bayan ng Ibaan sa kabuuan.

___________________

C360_2015-07-31-08-18-25-726Ms. Lala Esmana is one of the Staff Writers at Ibaan Municipal Public Information Office. She started her job at the said office in August 2015. She’s a graduate of Bachelor of Science in Customs Administration and has been with the government service since January 2014.

For any events or activities in your area and barangay which you think are worth the news, feel free to contact Ms. Lala. You can also find her on Facebook.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s