Civil Society Organizations Assembly, Isinagawa

October 30, 2015 | Avegail Real Alday

G. Malou Tapia ng Provincila DILG Office.
G. Malou Tapia ng Provincila DILG Office.

Isa sa mga paraan ng pagpapalawak ng partisipasyon ng iba’t ibang sektor sa pamamalakad ng lokal na pamahalaan lalong higit sa pagbuo ng mga programa at proyekto para sa komunidad, isinagawa ng Civil Society Organizations Assembly (CSO) sa Ibaan District Hall sa pangunguna ng Municipal DILG, October 30.

Ayon kay Gng. Lorna Silva, Municipal DILG Officer, nasa ikatlong taon na ng pagkakaroon ng CSO Assembly sa bayan ng Ibaan. Ito ay isinasagawa bilang pagtalima sa itinatakda ng Bottom-Up-Budgeting. Ang isa pang bahagi nito ay ang Local Poverty Reduction Action Plan workshop.

Unang ginamit ng pamahalaang nasyunal ang BUB noong 2013. Intensyon nito na makabuo ng isang national budget kung saan may mas higit na partisipastyon ang mga civil society organizations para sa mas malinaw na pagtukoy ng mga proyekto na direktang makakaapekto sa pag-unlad ng isang bayan.

Ibaan Municipal DILG Officer Lorna Silva
Ibaan Municipal DILG Officer Lorna Silva

Sa proseso ng Assembly, ang mga CSO ay magsasagawa ng pag-aaral o analysis ng kasalukuyang estado bayan. Naka-focus naman ito sa aspetong sosyal at ekonomiyang kalagayan. Kasunod nito ay ang pag-identify o pagbuo ng mga proyekto na sa tingin nila ay may kakayanang tugunan ang mga problema na kanilang nakita mula sa isinagawang pag-aanalisa ng estado ng bayan.

Matapos mapirmahan ng Chairman, Co-Chairman at dalawa pang signatories, itataas naman ang mga nasabing proyekto sa Provincial DILG Office. Kasama ang resulta ng BUB na iba pang bayan sa probinsya, ihahatid o dadalhin naman ang mga ito sa National Poverty Reduction Action Team na siyang magco-consolidate ng lahat ng project proposals mula sa iba’t ibang probinsya. Dito rin sasalang sa proseso ng review at validation ang mga proyekto. At kung sakali na walang makitang problema sa mga nasabing project proposals, isusumite naman ito sa House of Representatives upang makasama sa Budget Hearing kung maaaring mapondohan at maipatupad ang mga proyekto sa susunod na taon.

Ngayong taon, si G. Malou Tapia ng Provincial DILG Office ang naatasang magsagawa ng discussion sa nasabing Assembly. Ayon sa kanya, malawak ang kapangyarihan ng mga CSO dahil na rin sa kasama sila sa pagpaplano at pagmo-monito ng mga proyekto ng bayan. Kasama pa rin dapat umano nila ang mga tinatawag na Non-Government Organizations, People’s Organization at ang Basic Sector Organizations.

Ipinaalala naman ni G. Silva na kung walang CSO Assembly, hindi maisasagawa ang BUB.

Ang Basic Sector Organizations ay kinabibilangan ng mga organisasyon mula sa tinatawag na marginalized sector na kinabibilangan ng mga magsasaka, manggagawa, kababaihan, mga may kapansanan (PWD), senior citizens, kabataan, mga kooperatiba at iba pa.

Ang Local Special Bodies (LSB’s) naman ay yung mga samahan na na-accredited na ng Sangguniang Bayan, samantalang Local Development Council naman ay tinatawag na ” Mother of All Special Bodies of the LGU”.

Sa kabuuan, ang mga nabanggit ang siyang bumubuo ng tinatawag na Civil Society Organizations.

Ibinahagi ni G. Ethel Joy Caiga-Salazar, hepe ng Municipal Agriculture Office, ang mga proyekto na kasalukuyang ipinapatupad at ipapatupad sa ssusunod na taon na pinangungunahan ng kanyang opisina. Ilan sa mga proyekto ay bunga ng CSO-LPRAT Assembly noong 2013.
Ibinahagi ni G. Ethel Joy Caiga-Salazar, hepe ng Municipal Agriculture Office, ang mga proyekto na kasalukuyang ipinapatupad at ipapatupad sa ssusunod na taon na pinangungunahan ng kanyang opisina. Ilan sa mga proyekto ay bunga ng CSO-LPRAT Assembly noong 2013.

Isa pa rin sa layunin ng BUB ay ang paghalal ng mga miyembro ng Local Poverty Reduction Action Team o LPRAT. Ito binubuo ng 16 na representante mula sa mga CSO, at 16 din mula sa local government unit. Ang LPRAT ang pangunahing grupo na magsasagawa ng mga pagpaplano ng mga proyekto para sa lokal na pamahalaan gamit ang pondo na ibinaba ng gobyerno nasyunal.

Naging panauhin din si Gng. Ethel Joy Caiga-Salazar ng Ibaan Municipal Agriculture Office. Ayon sa kanya, mayroong ng tatlong proyekto na bunga ng CSO-BUB 2013 ang napondohan na ng gobyerno nasyunal. Ito ay ang Honeybee Production, Vermiculture, at Food Processing. Inaasahan na maipatutupad ang mga ito sa susunod na taon kung saan mga kababaihan at miyembro ng 4Ps ang pangunahing benepisaryo.

Sa darating na Nobyembre 20, muling magkakaroon ng pagpupulong ang CSO. Dito, magsasagawa sila ng workshop upang mag-identify ng mga proyekto para sa bayan ng Ibaan. Nauna ng nabanggit ni Ibaan Municipal DILG Officer Lorna Silva na mayroon ng P15 milyon halaga ang ibinaba ng national government sa bayan ng Ibaan. Ang halagang ito naman ang siyang magiging basehan ng mga proyekto na tutukuyin ng CSO sa sunod na pagpupulong.

Isasapinala na rin sa Nobyembre 20 ang mga opisyales at miyembro ng Local Poverty Reduction Action Team (LPRAT).

Related Articles/Discussion On BUB:

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s