“Isang Pangarap Isang Tagumpay”, PMMES Inauguration and Blessing Ceremony

October 28, 2015 | Lala Esmana

“Isang Pangarap. Isang Tagumpay”.

Ito ang nagsilbing inspirasyon ng pamilya Mailig pati na rin ng lahat ng mamamayan ng Brgy.Palindan na siyang naging dahilan upang maitayo ang isang bagong paaralan para sa mga batang mag-aaral ng nasabing barangay at bilang paggunita sa kabutihang loob ni Lolo Procopio Mailig na siyang nagsimula ng lahat maraming taon na ang nakalipas. Ito rin siyang naging pangunahing paksa sa araw na pagpapasinaya ng nasabing paaralan na pinangalanang Procopio Mailig Memorial Elementary School, October 28.

Lolo Procopio Mailig
Lolo Procopio Mailig

Nagsimula sa isang mapagpalang misa ang programa na sinundan ng ribbon cutting na ginampanan ni Mayor Juan “Danny” Toreja, Kapitan Rolando Pasia at Dr.Carlito Rocafort CESO V Division Superintendent DEPED Region IV at pagkatapos ay ang pagbabasbas sa buong eskwelahan. Nagbigay ng mensahe si Kapitan Rolando Pasia kasabay ng pagtanggap sa mga bisita at mga panauhing pandangal na kinabibilangan ng Pamilya Mailig, Bb.Emiliana Roxas,Vice Mayor Sixto Yabyabin, SB members, dating Mayor Boy Chua at ang mga nagsagawa ng ribbon cutting.

Sa isang maikling programa, nagbigay naman isang inspirational message at maikling sulyap sa nakaraan si G. Mino Mailig , isa sa mga anak ni G.Procopio Mailig. Ayon sa kanya, sa kabila ng mga pagsubok, nasimulan pa rin ang pagpapatayo ng paaralan sa tulong na rin ng mga kaibigan. At sa mahabang panahon, ang paaralang ito ang nagsilbing Palindan Elementary School na matatagpuan sa crossing ng kalsada papuntang Brgy. Sto. Nino at Palindan.

 

Kasama ang magkakapatid na Mailig, iIniabot ni G. Camilo Mailig ang simbolikong susi ng paaralan kay Dr. Rocafort bilang pagtitiwala ng pangangalaga sa bagong paaralan na Procopio Mailig Memorial Elementary School.
Kasama ang magkakapatid na Mailig, iIniabot ni G. Camilo Mailig ang simbolikong susi ng paaralan kay Dr. Rocafort bilang pagtitiwala ng pangangalaga sa bagong paaralan na Procopio Mailig Memorial Elementary School.

Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unti na dumarami ang bilang ng mga mag-aaral. Dito na rin pumapasok ang mga bata mula sa ibang barangay. At dumating ang pangangailangan para sa isang mas malaki, mas maayos, at mas modernong paaralan. At sa pagpanaw ni Lolo Procopio ilang taon na ang nakakalipas, lalo namang nabuhay sa puso ng kanyang mga anak ang adhikain na maipagptuloy ang kanyang pangarap.

Mula sa pag-aaring lupa ng magkakapatid na Mailig, nagbigay sila ng malaking bahagi nito upang bigyang daan ang pagpapagawa ng isang bagong eskwelahan na sinimulan noong 2012.

Tulad ng paraan ng pagsisimula ni Lolo Procopio sa kanyang pangarap, bumuhos din ang tulong sa magkakapatid na Mailig mula sa mga kaibigan at mga naniniwala sa mabuting maidudulot ng kanilang pangarap upang maipagpatuloy ang bagong eskwelahan, pinansyal man o materyal, maliit man o malaking halaga.

At sa loob ng halos tatlong taon mula 2012, unti-unti na nabibigyang katuparan ang mas malaking tahanan ng mga batang mag-aaral ng Brgy. Palindan. At noon ngang October 28, pinasiyanaan ang bagong paaralan na pinangalanang Procopio Mailig Memorial Elementary School.

Samantala, sa kanyang mensahe, inalala ni Mayor Danny Toreja ang kabutihang loob ni Lolo Procopio. At dahil halos kasabay niyang lumaki si Atty. Bobby Mailig, isa sa mga anak ni Lolo Procopio, makikita ang masidhi nitong pagnanais na magkaroon ng paaralan ang Brgy. Palindan sa tuwing mababanggit niya ito.  Ayon pa rin sa kay Mayor Toreja, basta pagdating sa pagtulong sa mga mamamayan ng Brgy. Palindan, laging nangunguna si Lolo Coropio.

Tinanggap ni Dra. Detty Mailig-Sombito ang pagkilala na ibiigay ng Department of Education sa kanilang hindi matatawarang kabutihang loob na matulungan ang mga batang mag-aaral sa pamamagitan ng bagong paaralan na ipinatayo ng kanyang pamilya bilang paggunita naman sa kadakilaan ng kanilang ama na si Lolo Procopio Mailig na siyang nagsimula ng pangarap na magkaroon ng paaralan sa Brgy. Palindan.
Kasama ng kanyang mga kapatid, tinanggap ni Dra. Detty Mailig-Sombito ang pagkilala na ibinigay ng Department of Education sa kanilang hindi matatawarang kabutihang loob na matulungan ang mga batang mag-aaral sa pamamagitan ng bagong paaralan na ipinatayo ng kanyang pamilya bilang paggunita pa rin sa kadakilaan ng kanilang ama na si Lolo Procopio Mailig na siyang nagsimula ng pangarap na magkaroon ng paaralan sa Brgy. Palindan.

Nagbigay din mensahe si Dr. Carlito Rocafort. Sa kanyang pananalita,  sinabi niya na “Alam nyo po sa aking mahigit dalawampung taon sa DepEd, ngayon lang po may isang pamilya na nagbigay ng ika nga po natin ay lahat-lahat na po ay naririto. Magmula po sa lupa, building, at sa lahat po ng laman ng building. Kulang na lang po na ibigay sa ating ay pati na mga teachers at pati po ang mga bata”.

Nagpasalamat din si Ibaan District Supervisor Emiliana Roxas at PMMES Principal Arlena Patena sa pamilya Mailig sa kanilang kabutihang loob na mabigyan ng magandang kinabukas ang mga mag-aaral.

Sa huli, pinagkalooban ng DepEd, sa pangunguna ni Dr. Rocafort, ng isang plake ang pamilya Mailig bilang pagkilala sa kadakilaan ng kanilang kalooban na makatulong upang higit na mapabuti ang kalagayan ng mga mag-aaral.

Click on the number to see more photos:

_______________________

C360_2015-07-31-08-18-25-726Ms. Lala Esmana is one of the Staff Writers at Ibaan Municipal Public Information Office. She started her job at the said office in August 2015. She’s a graduate of Bachelor of Science in Customs Administration and has been with the government service since January 2014.

For any events or activities in your area and barangay which you think are worth the news, feel free to contact Ms. Lala. You can also find her on Facebook.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s