Erich Scented Candles

October 30, 2015 | Lala Esmana and Avegail Alday

Maaring bago ito sa ating pandining. Pero alam nyo ba na mayroong gumagawa ng scented candle sa Brgy. Salaban 2? At ito ay ang ERICH SCENTED CANDLE.

Pag-aari ni Gng. Elsie Sastado De Villa, nagsimula ang operasyon nito noong 2002. Upang higit na madgdagan ang kaalaman at upang mas mapagyaman ang mga disenyo at kalidad ng mga kandila, dumalo sila sa mga seminar noong 2003 sa Maynila na isinagawa ng iba’t ibang ahensya.

Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, kinailangan na itigil muna nila ang negosyo ng halos limang taon. Ito ay dahil na rin sa pagkakaroon nila ng mga anak na nangangailangan ng higit na atensyon bilang mga magulang. At nang mabigyan ng pagkakataon, muli nilang isinagawa ang negosyo bilang pantugon na rin sa kanilang mga pangangailangan.

Sa kasalukuyan, mayroon na silang mga agent at retailers na siyang kumukuha sa kanya ng mga scented candle. Sila na rin ang nagsisilbing channels of distribution ng mga produkto upang makarating sa iba’t ibang probinsya. At para mas mabigyan ng partisipasyon ang mga agents at retailers, binibigyan sila ng kalayaan na mag-suggest ng mga disensyo ng kandila base na rin mga hinihingi ng kanilang mga kliyente. Sa ganitong pamamaraan, mas nagiging masigla ang negosasyon at napapatatag ang relasyon ni G. Elsie at kanyang mga agents at retailers.

Samantala, pagdating sa bentahan, maaaring fix ang halaga ng mga kandila na binigay ni G. Elsie, o kaya naman ay sa mas mababang halaga lalo na kung wholesale ang bentahan.

Ayon pa sa kanya, mga maliliit na baso ng kandila ang maituturing na best seller. Bukod sa maliit lang ito, mas madali umano itong dalhin ng mga kliyente.

Nagpapasalamat naman si G. Elsie sa kanyang mga kapatid at kapamilya na kanyang naging katulong sa pagtataguyod ng Erich Scented Candle.

At bilang tulong sa mga nagnanais na magkaroon ng ganitong negosyo, bukas si G. Elsie sa pagbibigay ng training ganun din ang maging supplier ng mga materyales na kailangan sa paggagawa ng mga kandila.

Click here for more photos.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s