Senior Citizens, Nagpulong Para Sa Mga Proyekto

Vice Mayor Sixto Yabyabin, Kon. Rodel De Castro kasama ANG osca G. Delfin Casao pati na din ang lahat ng mga President ng Senior Citizens.
Vice Mayor Sixto Yabyabin, Kon. Rodel De Castro kasama ang OSCA G. Delfin Casao pati na din ang lahat ng mga President ng Senior Citizens.

Nagkaroon ng pagpupulong ang  lahat ng mga tumatayong President ng Senior Citizens ng bawat barangay sa opisina ng Sangguniang Bayan, October 20, upang ipaabot sa kanila ang mga “updates” sa mga programa ng lokal na pamahalaan ng Ibaan na nakalaan para sa kanilang sektor.

Kasama din na dumalo sa pagpupulong sina Vice Mayor Sixto Yabyabin at Kon. Rodel De Castro.

Sa pangunguna ni G. Delfin Casao, tagapamahala ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA), ipinabatid sa mga dumalo na sa kasalukuyang taon, umabot na sa 1,002 ang bilang ng miyembro ng Senior Citizens sa buong Bayan ng Ibaan.

Sinabi din dito na mayroong paparating na halagang P90,000 para sa mga Senior Citizens ngayong October bilang ayuda sa programa ng OSCA at bilang ayuda sa pangangailan ng mga miyembro nito.

Masaya ding ibinalit ni G. Casao na mayroon ng 4,240 na Senior Citizens ang na-enroll ng kanilang opisina sa PhilHealth. Ganun pa man, sa bilang na ito, iilan pa lamang ang dumating na Members Data Record (MDR).

Sa pagpapatuloy ng paglalahad ni G. Casao, sinabi nya na nakipag-usap siya kay Mayor Danny Toreja at humiling na kung maaari ay magkaroon din ng “Senior Citizen Day Celebration”. Ito ay upang magkaroon ng pagkakataon na higit na maparangalan ang kanilang hanay. Kasama na rin dito ang pagkakataon na para sa mas mahabang oras ng “socialization” ng kanilang mga miyembro.

Nangako naman umano si Mayor Danny Toreja na pag-aaralan ang kanyang kahilingan sa kagustuhan na rin nito na mabigyang halaga ang kontribusyon ng mga Senior Citizens sa bayan ng Ibaan.

Ayon naman kay Vice Mayor Sixto Yabyabin, isa sa kanilang pinag-aaralan ay ang pagbibigay ng “honorarium” sa mga Presidente ng Senior Citizens ng bawat barangay. At kung makakakita ng pagkukunan ng pondo ay agad nila itong ipatutupad. Nasabi niya ito dahil, ayon pa rin sa kanya, ginagawa na ito ng bayan ng Lobo kung saan tumatanggap ang mga Presidente ng Senior Citizen ng halagang P500.

Kasama din sa naging paksa ng pagpupulong ang disksuyon hinggil sa mga obligasyon at responsibilidad ng mga Presidente ng Senior Citizen sa bawat barangay, ganun din ang kabuuang resposibilidad ng OSCA.

Nagpahayag din si G. Delfin na pagnanais na mapalitan ang pamphlet ng OSCA. Bukod sa luma na ito, marami na ring mga bagong batas na marapat lamang ay maisama sa kanilang pamphlet.

Bago matapos ang pagpupulong, nagsagawa na rin ng eleksyon para sa bagon opisyales ng pederasyon ng Senior Citizens.

Nahalal na bagong Pangulo si Gng. Luz Regino, Pang. Pangulo Gng. Leudegaria Guerra, Gng. Esperanza Villanueva bilang Kalihim, Mr.Delfin Casao Ingat- Yaman, Assistant Ingat- Yaman Gng. Juevita Perez, Auditor Gng. Julita Rivero,P.R.O Gng. Cristine Hernandez, Assistant P.R.O si G. Vidal Pasia. Sinabi nila na pipilitin nilang makapunta sa opisina ng mga Senior Citizen upang makipagtulungan sa lokal na pamahalaan.

Muling magkakaroon ng pagpupulong ang grupo sa Oktubre 28 para naman pag-usapan ang mga posibleng proyekto na maaaring paggamitan ng pondo na nakalaan para sa kanila.

_______________

C360_2015-07-31-08-18-25-726Ms. Lala Esmana is one of the Staff Writers at Ibaan Municipal Public Information Office. She started her job at the said office in August 2015. She’s a graduate of Bachelor of Science in Customs Administration and has been with the government service since January 2014.

For any events or activities in your area and barangay which you think are worth the news, feel free to contact Ms. Lala. You can also find her on Facebook.

AveMs. Avegail Alday is one of the Staff Writers at Ibaan Municipal Public Information Office. She started her job at the said office in October 2015. She’s a graduate of Bachelor of Science in Business Administration Major in Business Economics.

For any events or activities in your area and barangay which you think are worth the news, feel free to contact Ms. Ave . You can also find her on Facebook.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s