OPLAN UNDAS, KASADO NA

Oplan Undas.. Kasado Na
Ibaan Public Cemetery at night file photo 2012 (Photo by: DT Perez)

By: Lala Esmana

October 19, 2015

Nagkaroon ng pagpupulong noong nakaraang Biyernes October 16, 2015 na pinangunahan ng hepe ng kapulisan na si Acting Chief PSI Joel Loreto Alvarez at ilang kawani ng Munisipyo tungkol sa Oplan Undas na may layuning maging maayos at payapa ang paggunita sa darating na November 1 Araw ng mga patay.

Sisimulan ang constant monitoring mula araw ng Sabado. Maglalagay ng mga babala sa iba’t ibang bahagi ng kabayanan. Magtatalaga din ng mga Police Officer sa traffic/ patrol team, police assistance desks, investigators, convert/ QRT/ Tracker, motorcycles cop at reserve team. Kabilang naman sa mga support groups ang LGU’s, Kabalikat Civic Com, BFP Ibaan, BPSO, Traffic Enforcers, NGO’s, BIN’s, ERPAT, at MHO/ Medical Team na laging handang magbigay ng serbisyo kung kinakailangan.

Ang kahabaan ng I.Guerra St., Trillanes St. Reyes St. at J.Pastor St. ay magiging bukas para sa daanan ng mga tao at sasakyan habang ang kahabaan ng Yabyabin St. ang magiging labasan ng mga sasakyan. Sa harap naman ng kabilang kalsada ng sementeryo ang lugar para sa magtitinda. Meron ding espasyo para sa paradahan ng mga sasakyan.

Inaasahang magiging matagumpay ang gagawing plano para sa paggunita sa nasabing araw ng mga patay.

____________________________

C360_2015-07-31-08-18-25-726Ms. Lala Esmana is one of the Staff Writers at Ibaan Municipal Public Information Office. She started her job at the said office in August 2015. She’s a graduate of Bachelor of Science in Customs Administration and has been with the government service since January 2014.

For any events or activities in your area and barangay which you think are worth the news, feel free to contact Ms. Lala. You can also find her on Facebook.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s