Dengue Prevention Awareness Drive, Isinagawa Sa Tulay Elementary School

Gng. Anita Pangilinan, ang designated Rural Health Midwife sa Brgy. Tulay.

October 16, 2015 | By: Lala Esmana and Avegail Alday

“Puksain ang KITI- KITI, Sugpuin ang Dengue..
DOH It Na”

Ito ang naging pangunahing impormasyon na inihatid ng Municipal Health Office sa isinagawang info drive tungkol sa dengue.

Bahagi ng programa ng Department of Health, ang Municipal Health Office sa pangunguna ni Dra. Agnes Chua at mga kasamahan ay naatasang magbahagi ng kaalaman tungkol sa paglaganap ng sakit na dengue sa Ibaan.

Kon. Soc Arellano sa kanyang panayam tungkol sa Dengue Awareness Campaign bilang Chairman ng Committee on Health ng Sangguniang Bayan.
Kon. Soc Arellano sa kanyang panayam tungkol sa Dengue Awareness Campaign bilang Chairman ng Committee on Health ng Sangguniang Bayan.

Kaugnay nito nagsagawa ng Dengue Awareness Seminar October 16 sa Tulay Elementary School ang tanggapang ito kasama ang Chairman of Health and Sanitation na si Kon. Socrates Arellano, Philippine Disease Surveillance Response Coordinator  Gng. Ofelia Benamer, Rural Health Midwife Gng. Anita Pangilinan, Sanitary Health Officer Gng. Marietta Adato  para sa mga magulang at mga bata upang makaiwas sa sakit na ito.

Ibinahagi din dito ang mga dapat alamin upang makaiwas sa sakit na dengue H-fever.katulad ng mga sintomas at mga dapat gawin kapag nadapuan ng sakit na ito.Nararapat na magkaroon ng malinis na kapaligiran sa loob at labas ng tahanan.Ito ay isang hatid kaalaman para sa ating kalusugan kaya Puksain ang kiti-kiti,sugpuin ang dengue..do it na

Ayon sa ulat, sa limang bayan na nasasakupan ng ikaapat na distrito na may kaso ng dengue pangapat ang Ibaan dito. Pumapangalawa naman ang Ibaan  sa limang munisipalidad na may kaso ng dengue. Mayroon namang limang barangay na nasasakupan ng Ibaan ang mayroong kaso ng dengue tulad ng Mabalor, Bago, Salaban II, Matala at Poblacion.

Nagbahagi din ng kaalaman tungkol sa Food Poisoning o pagkalason sa pagkain. Kailangan na siguraduhing malinis ang mga lugar na kakainan, mga kagamitan sa pagluluto at ang mga pagkain na dapat kainin.

______________

C360_2015-07-31-08-18-25-726Ms. Lala Esmana is one of the Staff Writers at Ibaan Municipal Public Information Office. She started her job at the said office in August 2015. She’s a graduate of Bachelor of Science in Customs Administration and has been with the government service since January 2014.

For any events or activities in your area and barangay which you think are worth the news, feel free to contact Ms. Lala. You can also find her on Facebook.

AveMs. Avegail Alday is one of the Staff Writers at Ibaan Municipal Public Information Office. She started her job at the said office in October 2015. She’s a graduate of Bachelor of Science in Business Administration Major in Business Economics.

For any events or activities in your area and barangay which you think are worth the news, feel free to contact Ms. Ave . You can also find her on Facebook.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s