Vegetable Farmers, Binuo Para Sa Ibaan Food Terminal

vegetable farmers association of ibaan batangas mayor danny toreja ethel joy caiga salazar 3

October 14, 2015 | Lala Estremadura Esmana and Avegail Real Alday

Nagpatawag ng isang pagpupulong ang hepe ng Agrikultura na si Gng. Ethel C. Salazar na dinaluhan ng 47 na maggugulay sa Ibaan, Oktubre 13. Dumalo din sa nasabing pagpupulong si Kon. Rodel De Castro bilang Chairman ng Committee on Agriculture sa Sangguniang Bayan,  ganun din ang ilang Barangay Chairman. 

 Pangunahing paksa ng pagpupulong na binuksan ni Gng. Salazar ay ang pagkakaroon ng Ibaan Food Terminal kung saan ang mga lokal na magsasaka ng Ibaan ang makikinabang. Matatandaan na nilagyan na ng bubong ang unahang bahagi ng Ibaan Public Market kung saan ang bahaging ito ang siyang magsisilbing himpilan ng mga lokal na magsasaka. Dito, mabibigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka na maibenta ang kanilang mga produkto tulad ng mga gulay.

Municipal Agriculturist EJ Caiga - Salazar
Municipal Agriculturist EJ Caiga – Salazar

Base sa pag-aaral at preparasyon ng Ibaan Municipal Agriculture Office, ang operasyon ng Ibaan Food Terminal ay sisimulan sa darating na buwan ng Nobyembre 2015. Ang operasyon naman nito ay tuwing araw ng Biyernes simula alas-syete ng umaga (7:00am) hanggang alas-dose ng tanghali (12:00nn). Ang pagtitinda ng gulay at prutas ay sa paraang “wholesale” lamang at mahigpit na ipagbabawal ang pagtitinda ng “tingi-tingi” o pira-piraso. 

Sa proseso, inaasahan at target nito na maging kliyente ang mga magtitinda ng gulay na may pwesto sa palengke. At sa isyu kung bakit Biyernes ang itinakdang operasyon ng Ibaan Food Terminal, ito ay magsisilbing preparasyon ng mga may pwesto sa palengke sa kanilang pagtitinda sa araw ng palenge, o araw ng Sabado.

Coun. Rodel De Castro
Coun. Rodel De Castro

Kaugnay nito, upang mas higit na maproteksyunan ang grupo ng mga mag-gugulay at ma-monitor ang kanilang partisipasyon sa Ibaan Food Terminal, binuo ang asosasyon na tinawag na “Ibaan Vegetable Farmers Association (IVFA)”. At sa pagbuo nito, maaaring mas mapabilis pa ang paghahatid ng suporta ng Municipal Agriculture Office upang higit na mapaunlad ang sektor ng gulayan sa bayan ng Ibaan.

Nahalal na Pangulo si G. Nelson Rivera ng Brgy. Calamias, Pang. Pangulo Gng. Lucia dela Pena ng Lapu- lapu,  Gng. Merlin Paloma ng Calamias bilang Kalihim ,  G. Bernie Gonzales ng Salaban I bilang Ingat- Yaman, Auditor G. Arsenio Magnaye ng Bago, at P.R.O si G. Don Caguicla ng Salaban I.

Photos by EJ Caiga – Salazar

_______________

C360_2015-07-31-08-18-25-726Ms. Lala Esmana is one of the Staff Writers at Ibaan Municipal Public Information Office. She started her job at the said office in August 2015. She’s a graduate of Bachelor of Science in Customs Administration and has been with the government service since January 2014.

For any events or activities in your area and barangay which you think are worth the news, feel free to contact Ms. Lala. You can also find her on Facebook.

AveMs. Avegail Alday is one of the Staff Writers at Ibaan Municipal Public Information Office. She started her job at the said office in October 2015. She’s a graduate of Bachelor of Science in Business Administration Major in Business Economics.

For any events or activities in your area and barangay which you think are worth the news, feel free to contact Ms. Ave . You can also find her on Facebook.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s