Mayor Juan “Danny” Toreja at mga kasama, nagfile ng COC

October 12, 2015 | Lala Esmana

Opisyal nang nagsumite ng kanyan Certificate of Candidacy si Mayor Juan "Danny" Toreja kay Ibaan Acting COMELEC Officer Eric Ebite para sa kanyang huli at ikatlong termino bilang alkalde ng bayang ng Ibaan, October 12.
Opisyal nang nagsumite ng kanyan Certificate of Candidacy si Mayor Juan “Danny” Toreja kay Ibaan Acting COMELEC Officer Eric Ebite para sa kanyang huli at ikatlong termino bilang alkalde ng bayang ng Ibaan, October 12.

Nagfile na ng Certicate of Candidacy si Mayor Juan “Danny” Toreja at mga kasamahan October 12, sa ilalim ng Liberal Party. Kabilang sa mga kasama ay sina Vice Mayor Sixto Yabyabin at walong (8) kandidato para Konsehal na sina  Kon. Socrates Arellano, Kon. Paul John Chua, Kon. Rodel De Castro, Kon. Venus De Castro, ABC President Armando Gutierrez, dating Municipal Administrator Rico Caringal, Julius Panaligan at Turing Maputi.

Matatandaan na nasa huli at ikatlong termino na sina Mayor Danny Toreja at Vice Mayor Sixto Yabyabin. Magkasama sila sa tiket at sabay na nahalal noong 2010.

Nasa huling termino bilang konsehal ng bayan sina Kon. Soc Arellano, Kon. Paul John Chua, at Kon. Rodel De Castro na kasabay din na nahalal noong 2010 nina Mayor Danny Toreja at Vice Mayor Sixto Yabyabin. Pangunahin nilang hinawakan sa Sangguniang Bayan ang mga komitiba tulad ng Health, Education at Agriculture ayon sa pagkakasunod.

Natapos naman ang termino ni Kon. Tony Benitez ngayong taon 2015.

Lalaban naman si Kon. Venus De Castro para kanyang ikalawang termino. Una siyang nanalo noong 2013 sa ilalim pa rin ng Liberal Party. Naitalaga siya bilang Chairman ng Committee On Peace and Order sa Sangguniang Bayan.

Lalaban din para sa kanyang huli at ikatlong termino si Vice Mayor Sixto Yabyabin sa May 2016 Election.
Lalaban din para sa kanyang huli at ikatlong termino si Vice Mayor Sixto Yabyabin sa May 2016 Election.

Naging Barangay Chairman ng Brgy. Bago si Armando Gutierrez mula 2007 hanggang sa kasalukuyan. Nahalal naman siya bilang ABC President (Association of Barangay Chairman) noong July 1, 2015 na katumbas ng isang Konsehal ng Sangguniang Bayan. Naitalaga sa kanya ang Committee on Tourism.

Samantala, muli namang nagbabalik si dating Kon. Turing Maputi. Nauna na siyang naging miyembro ng Sangguniang Bayan at natapos ang tatlong termino mula 2004 hanggang 2013.

Susubok naman sa ikatlong pagkakataon si Julius Panaligan. Dalawang beses siyang tumakbo bilang Konsehal ng bayan noong 2010 at 2013 bilang Independent candidate. Sa loob ng anim na taon, nagsilbi siya bilang “Coordinator” ni 4th District Representative Congressman Dong Mendoza sa bayan ng Ibaan.

Nauna namang nagsilbi si Rico Caringal bilang Municipal Administrator mula December 2010 hangang April 2015. Subalit dahil sa kawalan ng pangunahing opisyal na mamamahala sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, pinili nya na hawakan ang nasabing opisina upang higit na matutukan at maitaas ang antas ng “disaster preparedness” ng bayan ng Ibaan.

Nagsimula sa isang misang pasasalamat kung saan humingi ng patnubay ang mga kandidato. Sinundan ito ng actual na filing of candidacy sa loob ng opisina ng COMELEC. Maraming mga kababayan ang sumama bilang pagsuporta sa kanilang kandidatura. Layunin ng grupong ito na ipagpatuloy ang sinimulang serbisyong tapat at totoo para sa lahat ng mamamayan ng bayan ng Ibaan.

Click here for more photos.

Ang mga Konsehal ng TY Team:

Kon. Paul John Chua
Kon. Paul John Chua
Kon. Venus De Castro
Kon. Venus De Castro
Kon. Soc Arellano
Kon. Soc Arellano
Kon. Rodel De Castro
Kon. Rodel De Castro
Rico Caringal
Rico Caringal
Kon. Turing Maputi
Kon. Turing Maputi
Julius Panaligan
Julius Panaligan
ABC Pres. Armando Gutierrez
ABC Pres. Armando Gutierrez

 

_____________

C360_2015-07-31-08-18-25-726Ms. Lala Esmana is one of the Staff Writers at Ibaan Municipal Public Information Office. She started her job at the said office in August 2015. She’s a graduate of Bachelor of Science in Customs Administration and has been with the government service since January 2014.

For any events or activities in your area and barangay which you think are worth the news, feel free to contact Ms. Lala. You can also find her on Facebook.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s