Gng. Elizabeth Ramos ng TES, Ibaan Most Outstanding Teacher 2015

Mrs. Elizabeth Ramos ng Tulay Elementary School pinarangalan bilang Most Outstanding Teacher.
Mrs. Elizabeth Ramos ng Tulay Elementary School pinarangalan bilang Most Outstanding Teacher. (Mula kaliwa) Ibaan District Supervisor Emiliana Roxas, Mayor Danny Toreja, Gng. Elizabeth Ramos, mga miyember ng panel of judges na sina Gng. Melba Gualberto, Gng. Emma Panganiban, G. Delfin Casao (OSCA), Gng. Luz Regino, at Kon. PJ Chua.tu

October 5, 2015 | Avegail Alday

Related Article: Ibaan Teachers Day, Ipinagdiwang

Itinanghal bilang Most Outstanding Teacher si Gng. Elizabeth Ramos ng Tulay Elementary School dahil sa kanyang sipag at tiyaga. Noong una ay ayaw niya pero dahil sa pagpupursige ng kanyang punong guro at mga kasamahang guro ay napapayag din siya. Ang lahat ng guro sa Tulay Elementary School ay nagkaroon pa ng botohan kung sino ba ang isasali nila at ang napili nila talaga ay si Ma’am Elizabeth Ramos.

Sa isang panayam, isinalaysay nya kung ano ang kanyang naramdaman, kung paano sya naghanda o kung anong preparasyon ang ginawa nya. Nakaramdam sya ng excitement ng malaman niya na siya ay napabilang sa mga Most Outstanding Teacher at gusto niyang malaman kung ano ba ang maaaring mangyari. Sinabi niya din na marami sa kanila ang magagaling pero siya ang napili ng kanyang mga kasamahan sa paaralan. Para sa kanya manalo man o matalo siya pa din ang panalo para sa kanilang paaralan.

Kinilala si Gng. Elizabeth Ramos bilang Ibaan Most Outstanding Teacher 2015. (From left) Ibaan District Supervisor Emiliana Roxas, Mayor Juan Danny Toreja at Coun. PJ Chua.
Kinilala si Gng. Elizabeth Ramos bilang Ibaan Most Outstanding Teacher 2015. (From left) Ibaan District Supervisor Emiliana Roxas, Mayor Juan Danny Toreja at Coun. PJ Chua.

At noong oras na tawagin siya ay nakaramdam siya ng takot at excitement dahil hindi niya inaasahan na siya ang tatanghalin bilang Most Outstanding Teacher at ng umakyat na siya sa stage ay nagpasalamat siya sa Panginoon. Nakatanggap siya ng sertipiko, plake at pera na nagkakahalaga ng 3,000.00. Isa din itong regalo para sa kanya dahil siya ay nagdiwang ng kanyang kaarawan ngayong buwan ng Oktubre. Pagkatapos ng awarding sa kanya ay wala na siyang gustong baguhin at mas hihigitan pa niya ang kanyang mga nasimulan ginawa bilang guro.

Nagbigay din siya ng advice para sa mga kapwa guro na kailangang itago nila yung mga papel na naaccomplished na nila at magkaroon sila ng accomplishment sa community, sa simbahan at sa paaralan, sa mga bata at mga magulang. .Nagpapasalamat siya unang una sa panginoon dahil ibinigay sa kanya ang award bilang isang Most Outstanding Teacher, sa asawa at mga anak niya, sa mga kapatid, mga kasamahang teacher sa Tulay Elementary School, sa kanilang punong guro Ma’am Marilou Kalalo, kay Ma’am Gina Cayetano, Ma’am Samson dating District Supervisor at kay Ma’am Emiliana Roxas, sa pamahalaang lokal ng Ibaan Mayor Juan “Danny” Toreja, kay Kon. PJ Chua, sa mga judges at sa lahat ng Konsehal ng Bayan.

Samantala, nabigyan din ng parangal si Gng. Marilou Kalalo, Punong Guro ng Tulay Elementary School, bilang best implementer ng Brigada Eskwela 2015 para sa small school category.

Tulay Elementary School teaching force kasama sina (mula kaliwa) Kon. PJ Chua, District Supervisor Emiliana Roxas, Mayor Danny Toreja, Vice Mayor Sixto Yabyabin at TES Principal Marilou Kalalo.
Tulay Elementary School teaching force kasama sina (mula kaliwa) Kon. PJ Chua, District Supervisor Emiliana Roxas, Mayor Danny Toreja, Vice Mayor Sixto Yabyabin at TES Principal Marilou Kalalo.

Nagbigay din ng mensahe si Mrs. Marilou Kalalo sa pagkapanalo ng isa sa kanilang guro. Sinabi niya na kay ma’am beth niya nakita ang isang katangian ng isang huwarang guro. Dito din siya lumalapit kapag nagkakaroon ng decision making. Sobra silang nagpapasalamat dahil mayroong isang tulad ni Ma’am Beth na maaasahan at isa itong parangal sa kanila at sa paaralan nila. Nagpasalamat din ang kanilang punong guro sa kung sino man ang may pasimuno ng programang ito, sa mga guro ng kanilang paaralan, sa pamahalaang lokal ng Ibaan Mayor Juan “Danny” Toreja, kay Kon. PJ Chua, sa mga judges at sa lahat ng Konsehal ng Bayan.

Nagbigay din ng mensahe ang kanyang mga kasamahang guro at binati siya sa kanyang pagkapanalo bilang Most Outstanding Teacher.

_______________

AveMs. Avegail Alday is one of the Staff Writers at Ibaan Municipal Public Information Office. She started her job at the said office in October 2015. She’s a graduate of Bachelor of Science in Business Administration Major in Business Economics.

For any events or activities in your area and barangay which you think are worth the news, feel free to contact Ms. Ave . You can also find her on Facebook.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s