Ibaan Teacher’s Day, Ipinagdiwang

Masaya at opisyal na binuksan ni Mayor Juan
Masaya at opisyal na binuksan ni Mayor Juan “Danny” Toreja ang selebrasyon ng Teacher’s Day na nilahukan ng mahigit 700 guro sa Saint James Academy.

By: Lala Esmana and Avegail Alday

Noong Oktubre 5, 2015 ay ginanap ang programa ng “Teacher’s Day” na dinaluhan ng mga guro at kasama din ang mga retiradong guro ng buong ibaan. Sa unang bahagi ng programa ay nagkaroon ng parada sa ganap na 7:00 ng umaga, sinundan ng Flag Raising Ceremony sa B.R Medrano Plaza na isinagawa ng 146th ACP SQDN, SJA at SJA Choir kasama ng lahat ng mga guro at empleyado ng munisipyo . Nagkaroon din ng misang pasasalamat sa ganp na 8:00 sa Fr. Guido Colleti Gym kung saan ginanap mismo ang pagdiriwang.

Sa ikaapat na bahagi ng programa, isinagawa ang doxology na nagbuhat sa mga mag-aaral ng Bright Christian Academy. Nagbigay ng isang welcome address mula kay Rev. Fr. John M. Comia, OSJ School Director ng Saint James Academy. Sinundan ito ng paunang salita  para sa mga guro at mga bisita mula kay Konsehal Paul John “PJ” Chua, SB Member at Chairman, Committee of Education na nanguna sa preparasyon hanggang sa araw ng pagdiriwang ng nasabing programa. Nagkaroon muli ng intermission number mula sa Marfeben Academy na sinundan ng pagbati ng Municipal Administrator ng Ibaan na si G. Librado G. Dimaunahan.

Nagpahayag ng pasasalamat si Kon. PJ Chua sa lahat ng mga guro na nakilahok sa Teacher's Day Celebration. Siya din ang pangunahing may akda ng ordinansa para sa nasabing selebrasyon.
Nagpahayag ng pasasalamat si Kon. PJ Chua sa lahat ng mga guro na nakilahok sa Teacher’s Day Celebration. Siya din ang pangunahing may akda ng ordinansa para sa nasabing selebrasyon.

Nagbigay din ng isang inspirational message ang minamahal na alkalde ng Bayan na si Mayor Juan “Danny” Toreja at Dr. Carlito D. Rocafort CESO School Division Superintendent Division of Batangas, ganun din ang Bise Alkalde ng Bayan na si Vice Mayor Sixto Yabyabin.

Hindi rin malilimutan ang mensahe ng nag-iisang tinaguriang “ Siling Labuyo” ng Batangas na si Gng. Lianda Bolilia na minsan ay naging propesyon din niya ang pagtuturo. Ayon sa kanya “ Wala ng dadakila pa sa propesyon ng pagiging isang guro, sapagkat sila ay nagiging yaya, janitor, doctor at ina sa mga batang mag-aaral”. Kaya sya ay sumasaludo sa lahat ng mga guro. Nagpakita din ng talent ang mga batang mag-aaral ng Saint James Academy at St. Jude Sciene and Technological School.

Parte ng programa ang paghirang ng Most Outstanding Municipal Teacher of Ibaan 2015. Labing tatlong guro ang naging nominado at sila ay sina Gng. Elizabeth L. Ramos ng Tulay Elementary School, Gng. Lerma S. Riso ng Lucsuhin Elementary School, Gng. Blesilda P. Pasia ng Palinan Elementary School, Gng. Gina B. Samson ng Balanga Elementary School, Gng. Analyn T. Inandan ng Talaibon Elementary School, Gng. Ma. Lorna D. Guerra ng Sabang Elementary School, Gng. Ma. Veronica C. Roxas ng Ibaan Central School, Gng. Marge A. Del Mundo ng San Agustin Elementary School, Gng. Anita A. Mendoza ng Quilo Elementary School, Gng. Jeanne R. De Torres ng Mabalor- Catandala Elementary School, Gng. Juvian D. Pansoy ng Malainin Elementary School, Gng. Lyne P. Barza ng St. James Academy at Gng. Ednalyn D. Macaraig ng Gregorio Sison Memorial Elementary School.

Ibaan Teachers masayang naglalaro ng Plate Relay.

At ang nahirang na Most Outstanding Municipal Teacher of Ibaan 2015 ay si Gng. Elizabeth Ramos ng Tulay Elementary School na tumanggap ng halagang 3,000.00 at isang plake bilang pagkilala sa kanya. Tumanggap naman ng 1,000.00 ang bawat nominado bilang konsolasyon. Mayroong mga pamantayan sa pagpili sa kategoryang ito na isinagawa ng apat na hurado na sina Gng. Luz A. Regino (Chairman), Gng. Geronima Panganiban ( Co- Chairman), Gng. Melba Gualberto at G. Delfin Casao. Sila ay kabilang sa mga retiradong guro ng Ibaan na binigyan ng parangal, sertipikasyon at plake sapagkat sila ay may malaking kontribusyon sa edukasyon ng mga batang mag-aaral ng Ibaan.

Masayang naglaro ang mga retired teachers ng karera ng sisiw.
Masayang naglaro ang mga retired teachers ng karera ng sisiw.

Ang lahat ay nasiyahan sa sobrang dami ng mga papremyo na nagmula sa mga taong may mabubuting puso. Maya’t maya ay bumunot ng mga pangalan para sa raffle. Nagkaroon din ng masayang parlor games. Ipinakita rin ang isinagawang interview ni G. Dennis T. Perez sa ilang mga retiradong guro kung saan inilahad nila ang kanilang buhay pagkatapos ng kanilang tungkulin bilang mga guro.

Sa katapusang bahagi ng programa, nagbigay ng mensahe si Gng. Emiliana M. Roxas, District Supervisor at nagpasalamat sa may 770 gurong dumalo at nakibahagi sa pagdiriwang.

.

_______________

C360_2015-07-31-08-18-25-726Ms. Lala Esmana is one of the Staff Writers at Ibaan Municipal Public Information Office. She started her job at the said office in August 2015. She’s a graduate of Bachelor of Science in Customs Administration and has been with the government service since January 2014.

For any events or activities in your area and barangay which you think are worth the news, feel free to contact Ms. Lala. You can also find her on Facebook.

AveMs. Avegail Alday is one of the Staff Writers at Ibaan Municipal Public Information Office. She started her job at the said office in October 2015. She’s a graduate of Bachelor of Science in Business Administration Major in Business Economics.

For any events or activities in your area and barangay which you think are worth the news, feel free to contact Ms. Ave . You can also find her on Facebook.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s