Ibaan COMELEC, Patuloy Na Nananawagan Para Sa Biometrics

Acting Ibaan Election Officer Eric Ebite
Acting Ibaan Election Officer Eric Ebite

Patuloy sa kanilang panawagan ang Ibaan COMELEC sa mga botante na magpa-rehistro, magpa-validate at magpa-biometrics para sa susunod na halalan sa taong 2016.

Ayon kay Mr. Eric Ebite, Acting Ibaan Election Officer, “As of July 6, 2015, mayroon pang 1,198 na botante ang wala pang biometrics”.

Ayon sa itinakda ng Commission On Election, hanggang October 31, 2015 ang deadline para dit, kung kaya’t halos apat na buwan na lamang ang natitira para dito.

Sa pagtataya ni Mr. Ebite, kinakailangan na maka-200 botante ang kanilang opisina bawat buwan upang makumpleto ang validation at biometrics ng mga botante sa bayan ng Ibaan.

Nakakalungkot din umanong isipin na mula April 1 hanggang June 30, 2015, 131 botante pa lang ang nagpapa-validate/biometrics mula sa kabuuan na natitirang 1,198. Ganun pa man, positibo pa rin siya na matatapos ang lahat ng validation/biometrics bago sumapit ang deadline.

“Nasa 4.5% na lang naman ang natitira na walang biometrics”, aniya.

Base sa tala ng Ibaan COMELEC, base sa kanilang election registration hearing noong April 20, 2015, mayroong 30,337 registered voters ang Ibaan. At kung babawasin dito ang 1,359 voters na wala pang biometrics sa pareho ding buwan at araw, mayroong kabuuang 28,970 botante na may biometrics ang Ibaan. Gaganapin naman ng Election Registration Board ang susunod na hearing sa July 20, 2015 para sa mga nagparehistro mula April 1 hanggang June 30.

Ayon pa rin kay Mr. Ebite, mula June 15 hanggang June 30, naipadala na nila sa mga botante na hindi pa nagpapa-validate at wala pang biometrics ang “3rd and final warning letter”. Nagibgay na rin umano sila sa mga barangay chairman ng kopya ng mga botante sa kanilang nasasakupan na hindi pa rin nagpapa-validate o wala pa ring biometrics.

Dagdag pa niya, “Naka-dalawang round na rin tayo ng satellite registration kung saan pumupunta tayo sa barangay para sa validation at biometrics ng mga botante. Bukas din kami tuwing Sabado. At kung wala naka-schedule na satellite registration sa barangay, nandito kami sa opisina”.

Paalala pa niya, ayon at base sa Section 7 ng R.A 10367 (AN ACT PROVIDING FOR MANDATORY BIOMETRICS VOTER REGISTRATION), hindi makakaboto ang isang botante na hindi nakapagpa-validate/biometrics bago o hanggang sa itinalagang deadline na October 31, 2015. At makakapag-activate lamang uli ang mga ito pagkatapos na ng May 2016 election Section 8).

Related links:

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s