Lakbay Aral Para Sa “Bagsakan” Sa Ibaan

Ang grupo habang nakikipag-usap sa isa sa mga magtitinda sa Sentrong Pamilihan ng Sariaya, Quezon.
Ang grup habang nakikipag-usap sa isa sa mga magtitinda sa Sentrong Pamilihan ng Sariaya, Quezon.

Nagsagawa ng isang “Lakbay Aral” ang Ibaan Municipal Agriculture Office sa pangunguna ni Municipal Agriculturist Ethel Joy Caiga – Salazar sa Sentrong Pamilihan ng Sariaya, Quezon, June 24, upang malaman ang sistema na pinaiiral dito na maaaring gamitin sa pamilihang bayan ng Ibaan.

Sentrong Pamilihan ng Sariaya, Quezon
Sentrong Pamilihan ng Sariaya, Quezon

Kasama rin sa nasabing “Lakbay Aral” sina Kon. Rodel De Castro (Chairman, Committee On Agriculture), Dolor Guerra ( Municipal Treasurer), Luis Gamboa (President, Ibaan Organic Farmers Association), Federico Caringal (Municipal Disaster Risk Reduction and Management), Jason Suarez (Market Inspector), at Rowena Javier (Municipal Agricultural Technologist).

Ang Sentrong Pamilihan ng Sariaya, Quezon ay nagsisilbing bagsakan ng mga produktong agrikultural sa nasabing lalawigan. Ayon kay Mrs. Ethel, ang isinagawang lakbay aral ay upang tingnan at mapag-aralan din ang posibilidad ng pagkakaroon ng kahit maliit o simpleng bagsakan din ng prutas at gulay sa bayan ng Ibaan.

“Pangunahin nating aanyayahan ang ating mga local farmers sa Ibaan na magdala ng kanilang mga produkto sa food terminal sa palengke. Iimbitahan na rin natin ang mga biyahero ng gulay sa ibang bayan, isang beses sa isang linggo”, dagdag niya.

Nakinig ang grupo sa isang maikling
Nakinig ang grupo sa isang maikling “lecture” ng representante ng Sentrong Pamilihan tungkol sa proseso ng operasyon nito.

Sa paunang pagpaplano, maaaring gawin ang bagsakan tuwing ika-4 ng madaling araw hanggang ika-6 ng umaga tuwing araw ng Biyernes.

Sa pagtantya pa ng grupo, sa pamamagitan ng bagsakan, maaaring maalis o matanggal sa sistema ng bilihan ang tinatawag na “middleman” kung saan magre-resulta ito ng direktang bilihan ng prutas at gulas sa pagitan ng mamimili at magsasaka. Ganun pa man, hagga’t maaari ay magiging bultuhan ang sistema ng bilihan upang mas maging mababa ang presyo ng mga produkto.

Patuloy na pag-aaral pa rin ang isasagawa ng lokal na pamahalaan ng Ibaan katuwang ang Municipal Agriculture Office upang makita ang angkop na proseso at sistema sa pagsasagawa ng bagsakan ng gulay sa bayan ng Ibaan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s