Ibaan Farmers, Pinarangalan

Sa mahabang panahon, hindi maitatanggi na kaakibat at kaagapay ng pamayanan ang mga magsasaka. Ang sektor na ito ang masasabi na isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng isang komunidad sapagkat sila ang naghahatid ng mga produktong agrikultural at nagpapayaman sa malapat na lupain. At sa isang bayan tulad ng Ibaan, hindi kailanman maaaring maiisantabi ang kanilang kontribusyon sa lipunan.

Kaya naman, upang bigyan ng tuwirang pagkilala sa kanilang kabayanihan, isinagawa ang kauna-unahang “Ibaan Farmers Day Celebration” noong ika-8 ng Mayo 2015 ng dinaluhan ng halos isang libong magsasaka mula sa 26 na barangay ng bayan ng Ibaan.

Sa pamamagitan ng tema na “Farmers, Sa Hatid Mo Na Kasaganaan, Katuwang Ka Sa Pag-unlad Ng Bayan”, naisagawa ang selebrasyon sa pagtutulungan nina Ibaan Municipal Agriculturist Ethel Joy Caiga – Salazar at Mayor Danny Toreja. Naisakatuparan din ito sa tulong na Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Sixto Yabyabin.

Sa pamamagitan naman ni Kon. Rodel de Castro, bilang Chairman ng Committee on Agriculture, kasama ang iba pang mga Konsehal ng bayan, naipasa ang isang ordinansa na nagtatakda ng ikalawang araw ng Biyernes ng buwan ng Mayo ng bawat taon bilang “Farmers’ Day”. Nakapaloob din ito sa Article B, Chapter V ng Code of General Ordinances of Municipality of Ibaan.

Nagsimula ang selebrasyon sa pamamagitan ng isang parade sa lahat ng mga partisipante sa pangunahing lansangan ng bayan ng Ibaan. Isang masayang programa naman ang sumalubong sa kanila sa Recto Gym matapos ang parada. At sa pagtitipong ito, masasabi na ito na ang pinakamalaking selebrasyon para sa mga magsasaka base na rin sa bilang ng mga nakilahok dito.

Nagbigay din ng suporta sa pamamagitan ng iba’t ibang regalo para sa mga magsasaka ang mga sumusunod na organisasyon at personalidad:

  1. Mr. Cornelio Toreja
  2. Mrs. Milagros How (Universal Harvester Incorporated)
  3. Office of Batangas Provincial Agriculturist
  4. Vice Mayor Sixto Yabyabin
  5. Taysan Mayor Dondon Portugal
  6. Bago Multiporpose Cooperative
  7. Regional Executive Director Vilma Dimaculangan (Department of Agriculture – Region IV-A)
  8. APCO Fidel Libao
  9. Emmanuel Feedmills
  10. Former Ibaan Mayor Boy Chua
  11. GRC Agrivet Supply
  12. Mun. Coun. Paul John Chua
  13. Mun. Coun. Rodel de Castro
  14. Mun. Coun. Soc Arellano
  15. Mun. Coun. Dael Blanco
  16. Mun. Coun. Juvy Mendoza
  17. Ibaan Market Vendors and Community Multipurpose Cooperative
  18. Municipal Government of Ibaan
  19. Mr. Egay Pua / Wally Guerra
  20. Mr. Peter Balotoc
  21. Mr. Ronald Allan Javier (RAVJ Piggery Farm)
  22. Mrs. Dolor Javier (Nairda’s Piggery Farm)
  23. Mrs. Ma. Rosana Javier (Abby-Josh Piggery)
  24. Mrs. Rachel Javier
  25. Mr. Josenieto Bihis (Taal Rutz Farm, Brgy. Dayapan)
  26. Ibaan Feedmills
  27. Bokal Weng Africa
  28. Rhea Andal
  29. Mr. Lembert Benedicto (Lembest Lechon)
  30. Office of Batangas Provincial Veterinarian
  31. Ma’am Mavic
  32. Bokal Caloy Bolilia
  33. 4th District Cong. Dong Mendoza
  34. Mr. Tom Rabano
  35. SL Agritech
  36. Pioneer Seeds
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s