Ibaan Linis Ilog Sa Araw Ng Kalayaan

Ilang sa mga mamamayan ng Brgy. Tulay na nakiisa sa paglilinis ng ilog sa kanilang nasasakupan.
Ilang sa mga mamamayan ng Brgy. Tulay na nakiisa sa paglilinis ng ilog sa kanilang nasasakupan.

Naging makabuluhan ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa bayan Ibaan kung isang sabayang paglilinis ilog ang isinagawa sa pamamagitan ng pinagsamang lakas ng mga opisyal ng barangay, kabataan, organisasyong pansimbahan, at mga kawani ng lokal na pamahalaan, June 12.

Ang proyekto ay bunga ng halos dalawang buwan na pag-uusap ng Save The Waters Of Ibaan Movement (SWIM), isang non-government organization na pinangungunahan ni Ka Ading Tejada at Mayor Danny Toreja ng pamahalaang bayan ng Ibaan.

Paglilinis ng ilog sa likod ng Don Pedro Subdivision.
Paglilinis ng ilog sa likod ng Don Pedro Subdivision.

Sa inisyatibo ng SWIM, nauna nang nagkaroon ng “symposium” tungkol sa kalikasan, partikular sa kalagayan, pagkasira at pangangalaga ng mga ilog sa bansa, na may tema na “Pag-Ibig Sa Malinis Na Tubig” noong ika-22 ng Pebrero. Nakilahok din dito ang Pamahalaang Bayan Ng Ibaan. Dito na rin nabuo ang plano para sa nasabing paglilinis ng ilog nitong nakaraang araw ng Kalayaan.

Sa sabayang paglilinis, pangunahing target ang ilog na dumadaloy sa magkakasunod na barangay sa bayan ng Ibaan tulad ng Calamias, Tulay, Talaibon, Poblacion, Coliat, Palindan at Sto. Nino.

Paglilinis sa ilalim ng tulay sa pagitan ng Poblacion-Palindan.
Paglilinis sa ilalim ng tulay sa pagitan ng Poblacion-Palindan.

Nauna muna na nagtipon ang mga partisipante sa Patio ng Saint James The Greater Parish para sa isang “flag-raising send off ceremony” at maikling programa. Pagkatapos nito, nagpunta na sa kani-kanilang itinakdang lugar o barangay kung saan naroon ang paligid ng ilog na lilinisin.

At upang masigurado ang kaligtasan ng lahat, health personnel mula sa Municipal Health Office ang itinalaga sa bawat grupo. Ito ay upang masigurado ang mabilis na paglapat ng kahit paunang lunas kung sakali magkaroon ng mga pangyayari na hindi inaasahan.

Nakilahok din ang Sangguniang Bayan ng Ibaan na pinangungunahan ni Vice Mayor Sixto Yabyabin at mga Konsehal.

Hindi rin naman nagpatalo ang mga kabataan sa pagtulong sa paglilinis ng ilog. Dumating ang delegasyon ng apat na mataas na paaralan tulad ng Saint James Academy (SJA), Dr. Juan A. Pastor Memorial National HIgh School (DJAPMNHS), Maximo T. Hernandez Memorial National  High School (MTHMNHS) at Saint Jude Science and Technological School (SJSTS).

Para sa mga kabataan, tulad ng paniniwala ng SWIM at ng Pamahalaan ng Ibaan, isang makabuluhang gawain ang paglilinis ng ilog sa araw mismo ng Kalayaan ng bansang Pilipinas.

Paglilinis ng ilog sa Brgy. Talaibon.
Paglilinis ng ilog sa Brgy. Talaibon.

Magkasama naman sa paniniwala ang SWIM at lokal na pamahalaan na marami pang mga hakbangin ang kailangang maisagawa para sa paglilinis ng ilog. Pasimula pa lamang umano ang isinagawang paglilinis. Kasunod na nito ang mga pagpa-plano upang mapalakas pa ang bilang ng mga partisipante at ang ang pagkakaroon ng mga diskusyon at pakikipagusap sa mga residente ng mga barangay na dinaraanan ng nasabing ilog na tumutuloy sa pagdaloy sa mas malaking Calumpang River ng Batangas City.

Ka Ading Tejada, Founder, Save The Waters Of Ibaan Movement (SWIM), habang nagbibigay ng kanyang mensahe sa mga partisipante.
Ka Ading Tejada, Founder, Save The Waters Of Ibaan Movement (SWIM), habang nagbibigay ng kanyang mensahe sa mga partisipante.

Aminado naman ang lahat na maliit na bahagi lamang ang ginawang paglilinis para sa kasalukuyang estado ng ilog sa Ibaan. Ganun pa man, nariyan ang paniniwala na sa pagdami ng partisipante at mga grupo na nagsasagawa ng paglilinis sa ilog, hindi malayo na makakamit ang mithiin ng lahat na muling mapaganda ang ilog sa bayan ng Ibaan.

Inaasahan din na maiisama sa plano ang pagkakaroon ng regular na petsa ng paglilinis ng ilog sa mga susunod na buwan base sa magiging resulta ng mga diyalogo at konsultasyon sa mga barangay at iba pang maaaring maging bahagi ng nasabing programa.

Nagpa-abot naman ng labis na pasasalamat ang SWIM sa suporta ng mga kababayan na nakibahagi at sa proyekto. Ayon pa kay Ka Ading, patuloy ang kanyang panawagan sa komunidad ng Ibaan na maging bahagi ng adbokasiya para sa kalinisan ng ilog ng Ibaan.

(Note: Dahil sa naging sabayan ang paglilinis ng ilog, humihingi tayo ng paumanhin sa mga lugar na hindi na natin napuntahan.)

Click here for more photos.

(ABS-CBN TV10 Southern Tagalog New featuring Ibaan river cleanup drive at 3:03mins.)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s