
Opisyal na pinasinayaan ng Pamahalaang Bayan ng Ibaan at Municipal Health Office Office and Ibaan Birthing Home, April 29.

Sa pagtutulungan ni Mayor Danny Toreja at Municipal Health Officer Dra. Agnes Chua, nagkaloob ng halagang P2M ang Department Of Health sa ilalim ng programang Health Facility Enhancement Project.
Matatagpuan sa Don Pedro Subdivision, Brgy. Talaibon, Ibaan, Batangas, sinimulan ang konstruksyon nito noong October 2013 at natapos naman noong February 2014.
Nagkakaisa naman sa opinyon sina Mayor Toreja at Dra. Chua sa pagsasabi na napakalaking tulong nito komunidad ng Ibaan lalong higit sa mga ina na nagdadalang-tao. Kalakip ng pagtatayo ng birthing home ang intensyon ng Pamahalaang Bayan ng Ibaan at Health Office na makapaghatid ng mabilis na serbisyo at tamang pasibilidad sa mga nagbubuntis, lalong higit sa mga manganganak.
Mayroong kagamitan

at pasilidad ang birthing home tulad ng delivery table, medicine cabiner, medicine cart, weighing scale (adult), weighing scale (pedia), suction machine, generator set, emergency light, drop light, at air-condition units.
Ang Ibaan Birthing Home ay bukas 24-oras sa loob ng isang linggo. Itatalaga dito ang mga kasalukuyang personnel ng Municipal Health Office sa pangunguna ni Dra. Agnes Chua.
Maaaring sabihin na konti pa lang ang bilang ng mga pasilidad ng Birthing HOme. Pero malaki ang pag-asa na sa tulong ng Pamahalaang Bayang ng Ibaan, unti unti din na mapapalakas ang operasyon nito. Ganun pa man, kung kapasidad ang pagbabasihan, sapat na rin ang kasalukuyang pasilidad nito upang makapagbigay ng serbisyo sa mga nanganganak.
Narito kasalukuyang bumubuo ng Municipal Health Office:
- 1 Municipal Health Officer
- 2 Public Health Nurse
- 10 Rural Health Midwife
- 5 Nurse Deployment Project
- 1 RHMPP
- 1 Medical Technologist
- 1 Administrative Aide IV (Clerk)
- 1 Administrative Aide III (Utility worker)
- 1 J.O. Midwife
- 1 J.O. Nurse