Buwan Ng Kababaihan, Muling Ipinagdiwang

Mayor Danny Toreja at ang kanyang may bahay na si Dra. Pat.
Mayor Danny Toreja at ang kanyang may bahay na si Dra. Pat.

Muling ipinagdiwang ang Buwan Ng Kababaihan sa Ibaan, Marso 13.

Nagsimula sa isang masayang parada mula Ibaan Central School, ang selebrasyon ay ipinagpatuloy sa Recto Gym kasama ang mga partisipante mula sa iba’t ibang barangay ng Ibaan.

Sa unang bahagi, nagbigay ng invocation si G. Rebecca Sescon na siya ring Presidente ng Poblacion Chapter. Sinundan ito ng National Anthem na pinangunahan ni G. Avelina Andal (President, Quilo Chapter). Sa pagpapatuloy, kinilala naman ni G. Digna R. Cortez and ang bisita. Nagbigay naman ang welcome address ang may bahay ni Mayor Danny Toreja na si Dra. Patricia Toreja.

Nagbigay din ng mensahe sa mga kababaihan sina Mayor Toreja, Vice Mayor Sixto Yabyabin, mga Konsehal ng bayan na sina PJ Chua, Rodel de Castro, Juvy Mendoza, Tony Benitez. Tumayo naman bilang opisyal na representante ni Cong. Mark Mendoza si Julius Panaligan.

Naging pangunahing bisita naman si Vice Governor Mark Leviste na nakisaya din sa selebrasyon.

Ang Kalipunan ng Lipining Pilipina (KALIPI) ay isang national federation ng organisasyon ng kakababaihan na naitatag noong 1990 sa ilalim ng Bureau of Women’s Welfare. And Department of Social Welfare and Development naman ang nanguna sa pagpapalaganap nito sa mga munisipalidad kung saan ang mga kababaihan mula sa barangay ang pangunahing miyembro. Layunin nito na bigyang pagkilala ang kontribusyon ng mga kababaihan sa iba’t ibang aspeto ng komunidad at bigyang pansin ang mga bagay na maaaring makapagtaas ng antas na kanilang pamumuhay sa lipunan.

Unang naitatag ang KALIPI sa Ibaan noong 1997 sa ilalim ng pamamahala ni dating Mayor Boy Chua. Taon-taon, unti-unting nadaragdagan ang miyembro nito at inilaan ang isang araw ng buwan ng Marso para sa kanilang selebrasyon.

Upang higit na maging masaya ang selebrasyon, nagtanghal ng mga grupo ng kababaihan mula Talaibon, Catandala, Poblacion, Lucsuhin, Salaban I, Matala at lahat ng Presidente na miyembro ng Ibaan Women’s Coordinating Council.

Umabot naman sa halos 1,800 ang bilang ng mga kababaihan na nakilahok at nakisaya sa nasabing selebrasyon. Bahagya itong bumaba mula sa nagdaang taon kung saan 2,033 ang naging bilang ng mga partispante.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s