Kahon Ng Mga Balota, Hinakot Na

Dalawa sa mga unang ballot boxes na ginamit sa Ibaan na sinira at kinain na ng kalawang.
Dalawa sa mga unang ballot boxes na ginamit sa Ibaan na sinira at kinain na ng kalawang.

Matapos ang mahabang panahon at maraming taon ng serbisyo sa bawat eleksyon sa bayan ng Ibaan, ipinahakot na ang mga kahon ng balota mula sa munisipyo ng Ibaan, March 11.

Ang pagre-record ng serial number ng bawat ballot boxes kasama ang Ibaan COMELEC at Municipal Treasurer.
Ang pagre-record ng serial number ng bawat ballot boxes kasama ang Ibaan COMELEC at Municipal Treasurer.

Tuwing matatapos ang eleksyon, nagiging problema din ang lokal na pamahalaan ang paghahanap ng lugar na maaaring mapaglagyan ng mga ito. Sa halos 300 na kahon ng mga balota, malaking espasyo din ang kinakailangan, bagay na halos limitado sa kabuuan ng munisipyo.

Ang mga ito ay nakatalaga sa pangangasiwa ng Municipal Treasurer Office.

Sa pamamagitan ni G. Dolor Guerra, kasalukuyang Municipal Treasurer, mahigit isang taon din siyang nakipag-koordina sa Provincial COMELEC upang mabigyang linaw ang tamang hakbangin hinggil sa mga kahon ng balota. At sa pakikipagtulungan na din ng kasalukuyang Election Officer ng Ibaan na si Eric Ebite, napaabot din sa tanggapan ng Regional Office ng COMELEC ang bagay na ito.

Truck ng Hernandez Junk Shot na pinag-kargahan ng mga ballot boxes.
Truck ng Hernandez Junk Shop na pinag-kargahan ng mga ballot boxes.

Kaninang hapon, dumating ang ilang empleyado ng Hernandez Junk Shop na siyang kumuha ng mga ito. Ini-record naman ng Ibaan COMELEC ang mga serial number ng bawat kahon ng balota bago pa man isakay sa truck.

Ayon pa kay G. Guerra, marami sa mga ito ay nadatnan na niya bago pa man siya naitalaga bilang Municipal Treasurer. At maging si dating Municipal Treasurer Rolando Semira, isa rin ito sa mga naging problema ng kanyang opisina. Noon pa man na panahon ng kanyang panunungkulan bilang Treasurer, nakikipag-usap na rin siya sa Provincial COMELEC para sa kung ano ang dapat gawin sa mga kahon ng balota.

Maliit din ang espasyo ng opisina ng Ibaan COMELEC at hindi rin nila magawang akuin ang pangangasiwa ng mga kahon ng balota. Tulad ng Post Office at BIR, ang COMELEC ay isang opisinang pang-nasyunal na nakikigamit lamang ng opisina sa lokal na pamahalaan.

Hindi na ginamit ang mga ganitong ballot boxes noong 2010 Election kung saan PCOS machines na ang naging pangunahing instrumento sa pagboto.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s