Les KuHLiemBo Festival: Musika At Kasiyahan Sa JUANight Bistro

juan night bistro ibaan 183rd foundation les kuhliembo festival 2015 4

Matapos mahawi ang usok hatid ng Street Dance Parade at ihawan ng liempo sa pangunahing kalsada ng Poblacion, Ibaan, Batangas, nagpatuloy ang kasiyahan ng Ibaeño kinagabihan sa pamamagitan ng JUANight Bistro, February 11.

juan night bistro ibaan 183rd foundation les kuhliembo festival 2015 1
Mayor Danny Toreja kasama si Vice Gov. Mark Leviste (kaliwa).

Bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng ika-183 taong pagkakatatag ng bayan ng Ibaan at ikalawang taon ng Les KuHLiemBo Festival, itinampok ang iba’t ibang musika sa People’s Park na talagang nagpa-indayog sa mga Ibaeño.

Syempre pa, hindi mawawala ang masarap na liempo ng Ibaan sa nasabing kasiyahan.

Ang umaatikabo at umuusok na liempo hatid ng Lembest Lechon.
Ang umaatikabo at umuusok na liempo hatid ng Lembest Lechon.

Sa tulong ng Lembest Lechon, bilang pangunahing sponsor, pinangunahan nila ang pag-iihaw ng liempo para sa mga nagsidating at nakisaya sa JUANight Bistro. Bukod pa rito, natikman din ang masarap na sisig at lechon manok na paborito ding pulutan ng mga Ibaeño.

Sa pamumuno ni Engr. Mario Samson, Ibaan Municipal Planning and Development Officer, nabuo ang JUANight Bistro na nasa ikalawang taon na rin. Sa pamamagitan niya, nagawang mapagsama sa isang gabi ng kasiyahan ang mga banda at performers mula sa iba’t ibang lugar, makakalap ng mga tulong at suporta mula sa mga pribadong indibidwal at ahensya at higit sa lahat, ang gawing mas maingay at makulay ang Les KuHLiemBo Festival 2015 ng Ibaan.

Nagiging daan ang JUANight Bistro upang magipagpatuloy ang kasiyahan na hatid ng selebrasyon ng pagkakatatag ng bayan ng Ibaan taon-taon.

More photos.

Ilan sa mga bisita na dumalo at nakisay sa JUANight Bistro, February 11.
Ilan sa mga bisita na dumalo at nakisay sa JUANight Bistro, February 11.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s