Senior Citizens, Patuloy Na Sinusuportahan

Patuloy na sinusuportahan ng lokal ng pamahalaan ng Ibaan ang samahan ng senior citizens o mas kilala bilang Office Of Senior Citizens Affairs (OSCA).

Noong 2012 hanggang 2014, ayon sa imposrmasyon mula MSWD, nakapaghatid ang lokal na pamahalaan ng tulong pinansyal sa nasabing opisina na nagkakahalaga ng P365,250.00, P241,000.00 at P431,600.00 ayon sa pagkakasunod ng taon.

Kasama sa mga programa ng Ibaan Municipal Social Welfare Office (MSWDO) na nakalaan para sa mga senior citizens ay ang medical assistance, burial assistance, social pension, cash assistance, lakbay aral at Senior Citizens Celebrations.

Samantala, tumaas naman ang bilang ng senior citizens na miyembro ng OSCA. Nasa 5,246 ang bilang ng miyembro noong 2012. Tumaas ito ng halos 400 kung saan nakapagtala ng 5,646 ng miyembro at 5,938 naman pagdating ng 2014.

Patuloy din ang MSWDO ng pag-iisyu ng Purchase Slip Booklet na siyang ginagamit ng mga senior citizens sa pagbili ng gamot. Ito ang rin ang ipinakikita sa mga botika upang mabigyan sila ng discount na 20% ayon sa itinakda ng Expanded Senior Citizens Act Of 2003. Ang Purchase Slip Booklet, ayon sa Administrative Order No. 177 Series of 2004, V. par 4, Sub-par B.1.3, of the Department of Health Series of 2004, V. par 4, Sub-par B.1.3, ng Department of Health, ay kailangang iprisinta sa mga botika kung irerecord ang lahat ng pagbili ng gamot ng senior citizen.

Noong 2012, nakapag-isyu ng 1,156 Purchase Slip Booklet ang MSWDO, 1,468 noong 2013 at 851 para sa taong 2014.

Read more: http://www.affordablecebu.com/load/cebu_services/how_to_get_senior_citizen_39_s_purchase_slip_booklet_for_medicines_in_cebu/32-1-0-669#ixzz3SFcnXxsd

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s