Ibaan MSWDO, Mas Maraming Programa Sa Mas Malaking Ayuda

Base sa mga impormasyon na nakapaloob sa accomplishment report ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng pamahalaang bayan ng Ibaan, tumaas ang halaga ng mga proyekto at pondo na naihatid ng kanilang opisina sa sektor ng social welfare mula 2012 hanggang 2014.

Distribution of Ibaan PhilHealth members data records, March 4, 2014.
Distribution of Ibaan PhilHealth members data records, March 4, 2014.

Ang programa at serbisyo ng MSWDO ay nahahati sa lima (5): Emergency Assistance Program, Family Welfare Program, Social Services For Different Sectoral Groups (Women’s, ERPAT, Day Care Service, Persons With Disability, and Senior Citizens), Special Cases and Special Programs. 

Ang halaga na inilaan o natanggap ng kanilang opisina na tuwirang ginamit sa kanilang mga programa ay nagmula naman sa local, provincial at national government.

Sa kabuuan, umabot sa P13,988,448.00 ang halaga ng mga programa at serbisyo na naisagawa ng MSWDO noong 2012. Umakyat ito sa P14,510,100.00 ng sumunod na taon na 2013, at naging P16,742,940.00 sa taong 2014.

Samantala, ang malaking bahagi ng mga halagang ito ay nagmula sa Department Of Social Welfare And Development (DSWD) ng national government. Nakapagbigay sila ng P11,706,500.00, P11,730,500.00 at P12,555,050.00 para sa taong 2012, 2013 at 2014 ayon sa pagkakasunod. Ang mga halagang ito ay base na rin sa patuloy na pagdami ng miyembro ng Pantawid Pamilayang Pilipino Program o 4Ps sa bayan ng Ibaan. (Related article)

Mula naman sa limang programa ng MSWDO, ang Emergency Assistance Program ang nakatanggap ng malaking ayuda. Sa tatlong taon mula 2012 hanggang 2014, gumamit ang programa ng halagang P970,030.00, P1,325,500.00, at P2,430,000.00.

Ang mga programa at sebisyo na nasasakupan ng Emergency Assistance Program ay ang mga sumusunod:

  • assistance to individual in crisis
  • preparation of social case study report
  • referrals to hospitals, different government ad non-government organizations
  • issuance of certificate of eligibility
  • emergency shelter assistance.

Tumanggap din ng signipkong halaga ang grupo ng Senior Citizens. Mula 2012 hanggang 2014, tumanggap ang kanilang opisina ng halagang P365,250.00, P241,000.00 at P431,600.00. Ang malaking bahagi nito ay ginugol at ginamit para sa kanilang medical assistance, burial assistance, validation for social pension at provision of cash assistance.

Samantala, sa mga halagang nabanggit, nakapag-ambag ang lokal na pamahalaan ng Ibaan ng halagang P1,768,508.80, P2,779,600.00 at P2,997,890.00 mula 2012 hanggang 204 ayon sa pagkakasunod.

Ang mga pondo mula sa provincial at national government at bunga ng masipag na pakikipag-ugnayan ng opisina ng Punong Bayan at ng MSWDO. Umaasa pa ang pamunuan na mas higit na mabibigyan ng serbisyo ang mamamayan at mapalakas pa ang mga programa ng MSWDO sa mga susunod na taon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s