Ibaan Les KuHLiemBo Festival 2015 Street Dance Parade: Ang Mga Nag-Uwi Ng Parangal

Sa 26 na barangay na nakilahok sa Street Dance Parade bilang tampok na pasaya sa Ibaan Les KuHLiemBo Festival 2015, February 11, apat sa kanila ang nabigyan ng parangal.

Brgy: Poblacion: Biggest Delegation and Most Creative Barangay Costume Award

Ang mga parangal na iginawad ay ang mga sumusunod: Biggest Delegation Award, Most Synchronized Dance Steps Award, Most Creative Barangay Costume Award, at Most Energetic Barangay Award.

Ang Biggest Delegation Award ay base sa dami ng kabuuang delegasyon ng bawat barangay. Bukod sa 20 opisyal na mananayaw, kasama din dito ang mga barangay officials at iba pa. Binigyang pansin naman sa Most Synchronized Dance Steps ang patuloy na pagkakasabay-sabay at disiplina ng mga mananayaw sa kabuuan ng parada. Samantala, sa kabila ng kakulangan ng pondo, nakitaan pa rin ang mga barangay ng kanilang pagiging “creative”. At sa Most Creative Barangay Costume Award, tiningnan kung paano binigyan ng makulay na kombinasyon ang iba’t ibang materyales na ginamit para sa costume ng mga mananayaw. Para naman sa Most Energetic Award, ang mga mananayaw ay tiningnan at hinusgahan base sa walang tigil at patuloy na tikas at sigla sa pagsasayaw sa buong kahabaan ng parada.

Brgy. Tulay: Most Synchronized Dance Steps Award

Una sa lahat, pagbati at paghanga ang ipinapaabot ng lokal pamahalaan sa lahat ng delegasyon. Hindi matatawaran ang antas ng kooperasyon at partisipasyon na ibinigay ng bawat isa upang maging magarbo ang selebrasyon ng Ibaan Les KuHLiemBo Festival. Pero tulad ng isang kompetisyon, mayroon pa ring natatangi sa bawat pagganap.

Brgy. Palindan: Most Creative Barangay Costume Award

Narito ang mga barangayan na nabigyan ng parangal:

  • Biggest Delagation Award: Brgy. Poblacion
  • Most Synchronized Dance Steps Award: Brgy. Tulay
  • Most Creative Barangay Costume Award: Brgy. Palindan at Brgy. Poblacion
  • Most Energetic Barangay Award: Brgy. Bungahan

Brgy. Bungahan: Most Energetic Barangay Award

Ang mga hurado ay nagsimula ng kanilang pagtatangi sa oras na lumabas ang mga mananayaw sa Patio ng Saint James The Greater Parish. Inilihim din ang kanilang lokasyon at binigyang laya na sumunod at sumubaybay sa iba’t ibang parte ng kahabaan at kabuuan ng Street Dance Parade.

Binigyang parangal din ang mga Barangay Chairman bilang pagkilala sa kanilang lubos na pagsuporta upang maiskatuparan ang selebrasyon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s