Palaro Ng Lahi, Sakto Sa Les KuHLiemBo

Ay takbo Ate sa palengke.
Ay takbo Ate sa palengke.

Sa ikalawang taon ng selebrasyon ng Les KuHLiemBo Festival, February 11, bilang bahagi ng ika-183 taong pagkakatatag ng Ibaan, sakto ang apat sa maraming pasaya ng Palaro Ng Lahi para sa opisyal na pangalan ng Festival ng Ibaan.

Ang Les KuHLiemBo ay halaw sa mga letra ng mga pamosong produkto ng Ibaan tulad ng Tamales, Kulambo, Habi, Liempo at Tubo. Ito rin ang naging gabay ni Ms. Ethel Joy Caiga – Salazar, Municipal Agriculturist at naitalagang Chairman ng Palaro Ng Lahi, upang makabuo ng mga laro gamit ang mga nasabing produkto.

Tamales Eating Challenge

Simple lang naman ang patnubay sa larong ito. Kailangan lamang na makaubos ang isang partisipante ng 5-piraso ng Tamales. Ang magwawagi ay kung sinuman ang makaubos ng limang Tamales sa pinaka-maikling oras. Syempre, may tubig sa tabi ng partisipante.

Ang pinagtapusan.. dighal.

Tiklop na ang kulambo at umaga na!
Tiklop na ang kulambo at umaga na!

Tara Na Magkulambo!

Ito ang laro na halaw naman sa karaniwang gawi natin sa bukid, lalo na pag gabi at matutulog na. Sa larong ito, mayroong limang (5) lalaki at limang (5) babae sa bawat koponan. Ang siste, mula sa isang dulo ng palaruan, unan nang hawak ng magkapares na lalaki at babae ang kanilang kulambo at habi. Kailangan nilang pumunta sa kabilang dulo kung saan magkakabit sila ng kulambo, papasok sa loob ng kulambo, hihiga sa nakalatag na rubber matt, magkukumot ng habi at magtatalukbong. Sunod dito ang paglabas ng kulambo, pagtitiklop ng ayos ng kulambo at habi na kumot, at tatakbong pabalik sa pinanggalingan upang ibigay sa kanilang kakampi ang kulambo at kumot na habi. Mag-uunahan ang mga koponan na gawin ito hanggang sa magawa ng lahat ng limang pares na miyembro ng koponan.

Ang pinagtapusan.. hingal.

Pang-us pa!
Pang-us pa!

Mariang Naka-Habi Went To Market

Mula ito sa popular na laro na tinatawag na “Maria Went To Market”. Sa larong ito, alin sa magsusuot ng panty at daster ang mga kalahok na lalaki at, hawak ang basket o payong na may kasama pang talukbong, maglalakad ng pakendeng-kendeng papunta at paikot sa kabilang dulo ng kanilang pwesto. Sa ating bersyon ng Palaro Ng Lahi, magtatapis at magtatalukbong ng Habi ang mga kalahok. At tulad ng pinaghalawan ng larong ito, maglalakad din ng pakendeng-kendeng habang bitbit ang basket hanggang lahat ng miyembro ng grupo ay magawa ito.

Ang pinagtapusan. Mayroon ding mga nadapa.

Balatan Na Ang Tubo Gamit Ang Ipin

Sa titulo pa lamang, naiilarawan na sigu5o natin sa ating isipan kung anong hitsura ng larong ito. Yung mga lumaki sa bukid na may mga tubuhan sa paligid, siguradong alam na alam are. Ika nga, pang-us ng tubo. Pabilisan din ang labanan. At ang unang makakapagtalop ng tubo gamit ang ipin, yun na ang panalo.

Si Ma'am Ethel na maloka-loka na rin sa kanyang Palaro Ng Lahi.
Si Ma’am Ethel na maloka-loka na rin sa kanyang Palaro Ng Lahi.

Ang pinagtapusan.. ay ngilo.

Hulihan Ng Biik

Kung kayo ay nakaranas na humabol sa inyong nakaligaw na alagang kambing, pwede ka dine. Pero biik ang hahabulin at huhulihin. Ang kaso, marami ang makikihabol. Pahirap pa dyan ang lagyan ng langis ang biik. At makakahuli ng walang kawala, kanya na ang biik at pwede na niyang iuwi.

Ang pinagtapusan.. ay di amoy buwik.

Sa unang pagkakataon, partikular na naisama sa palaro ang ating mga produkto. Salamat sa malikot na imahinasyon ni Ma’am Ethel at sa kanyang grupo. Sa Palaro Ng Lahi, nabigyang buhay lalo ang Les KuHLiembo Festival 2015.

At ang pinagtapusan.. ay di abangan ang susunod na Les KuHLiemBo Festival!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s