Bilang Ng Miyembro Ng 4Ps Sa Ibaan, Patuloy Sa Pagtaas

Patuloy sa pagtaas ang bilang ng pamilya na miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa bayan ng Ibaan.

Mas kilala sa tawag na 4Ps, mula 2010 hanggang 2014, hindi man kalakihan, nadaragdagan bawat taon ang miyembro nito.

Bilang Ng Miyembro Ng 4Ps Sa Ibaan

2010 – 2014

  2010 2011 2012 2013 2014
Bilang ng miyembro 458 458 1,562 1,583 1,638
Katumbas na halaga mula DSWD P5,538,000.00 P4,934,640.00 P11,706,500.00 P11,730,500.00 P12,555,050

Base sa datus ng Municipal Social Welfare Office, naging bigla ang paglaki ng bilang ng miyembro sa pagitan ng taong 2011 at 2012. Wala namang paggalaw sa bilang nito mula 2010 haggang 2011.

Isa sa mga miyembro na kumuha ng kanyang ID.
Isa sa mga miyembro na kumuha ng kanyang ID.

Sa pagsisimula ng kasalukuyang administrasyon noong 2010, 458 na pamilya lamang ang miyembro ng 4Ps sa Ibaan. Nanatili ang bilang na ito haggang matapos ang taong 2011. Ito ay sa kadahilanan na naghahanap pa rin ng paraan ang lokal na pamahalaan upang madagdagan ang bilang na ito.

Sa pagpasok ng taong 2012, umabot naman sa 241% ang pagtaas ng bilang kung saan umakyat ang bilang mula 458 sa 1,562. Sa masigasig na pakikipag-koordinasyon sa Provincial Social Welfare Office at Department Of Social Welfare and Development, nakamit ang nasabing bilang.

Nauuna muna na humihiling ang Punong Bayan sa nasabing mga ahensya upang madagdagan ang bilang ng pamilya na ma-“cover” ng programa. At kapag naaprubahan, maghahanap naman ang MSWO, sa tulong ng mga barangay officials mula sa kanilang nasasakupan, ng maaaring maging miyembro base na rin sa mga katangian na hinanahanap ng DSWD.

Base pa rin sa impormasyon mula MSWO, bagamat pareho ang bilang ng miyembro noong 2010 at 2011, bumaba naman ang halaga na naibigay ng DSWD sa bayan ng Ibaan. Ito ay bunsod na rin sa hindi pagkuha ng ilang miyembro.

Samantala, sa nakaraang dalawang taon, 2013 at 2014, patuloy pa rin na tumataas ang bilang ng miyembro. Tumaas ng 1.3% bilang nito kung saan naging 1,583 (2013) mula 1,562 noong 2014. Naging bahadya din ang pagtaas sa katumbas na 3.4% o 55 na bagong miyembro.

Sa pagtaas ng bilang ng miyembro, kasabay din nito ang pagtaas ng kabuuang halaga na naipapamahagi ng DSWD. Makikita pa rin ang malaking pagbabago nito sa pagitan ng taong 2011 at 2012. Sa kabuuan, tumaas ito sa halagang P12,555,050 noong 2014 mula sa halagang P5,538,000.00 lamang sa taong 2010.

Sa halos isang taon pa na natitira sa pamamahala ni Mayor Danny Toreja, katuwang ang MSWO sa pangunguna ni Mrs. Irene R. Torres, umaasa sila na madadaragdagan pa rin ang bilang ng pamilya ng maging miyembro upang mas marami pa ang makaranas ng benepisyong hatid ng 4Ps.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s