250, Nag-renew At Kumuha Na Ng Prangkisa Ng Tricycle

January 13, 2015

ibaan tricycle franchise ibaan batangas mayor juan danny toreja 1

Ngayong araw ng Martes, umabot na sa 250 ang bilang ng mga tricycle drivers na nag-renew o kumuha na ng prangkisa para sa kanilang mga tricycle para sa taong 2015. Ganun pa man, malayo pa rin ito sa opisyal sa tala ng pamahalaang bayan ng Ibaan.

Base sa impormasyon ng Municipal Planning And Development Council (MPDC) Office, ang opisina na siyang nagpo-proseso ng prangkisa para sa mga ticycle na pinamumunuan ni Engr. Mario Samson, nasa 900 ang naka-rehistro na tricycle sa Ibaan. Sa bilang na ito, ilan ang hindi pa rin nakakapag-renew ng kanilang prankisa sa mga nagdaang taon.

Sa pagtatala pa rin ng MPDC, narito ang bilang ng mga tricycle mula sa iba’t ibang ruta na hindi pa nakakapag-renew sa mga nakalipas na taon:

  • 2010 – 2 tricycle
  • 2011 – 6 tricycle
  • 2012 – 12 tricycle
  • 2013 – 29 tricycle
  • 2014 –  6 tricycle

Dahil na rin sa mga impormasyon na nabanggit, umaasa ang MPDC na patuloy na madagdagan ang bilang ng mga kukuha ng prangkisa. Ayon pa sa kanila, kailangan din ang prangkisa sa pagkuha ng permit mula sa Land Transportation Office para sa kanilang operasyon bilang pampublikong transportasyon.

ibaan tricycle franchise ibaan batangas mayor juan danny toreja 2

Ipinapaabot din na kung maaari, kung sakali man na hindi na ginagamit o hindi na ibinabyahe ang tricycle bilang pampublikong tricycle, ay makipag-ugnayan o ipaalam ito sa MPDC upang pormal ng makansela ang prangkisa. Ito ay para na rin maiwasan ang pag-usad ng “penalty” sa bawat taon na nagdaraan. O di kaya ay upang mai-award sa ibang tricycle driver ang prangkisa o ang karapatan na makabiyahe bilang pampublikong transportasyon.

Samantala, kasama na ang iba pang mga bayarin, P660.00 naman ang kabuuang halaga ng prangkisa ng tricycle sa bawat taon. Lumalaki lamang ito kung mayroong mga penalty.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s