350, Nagrehistro Sa Unang Linggo

January 9, 2015

Isa sa mga business permit na pinoproseso ng Business Permit at License Office.
Isa sa mga business permit na pinoproseso ng Business Permit at License Office, January 9.

Base sa bilang ng Business Permit And License Office, aabot sa 350 negosyo ang nagrehistro at nag-renew mula Lunes hanggang ngayong araw ng Biyernes, January 9. Kahapon, araw ng Huwebes, umabot na sa 250 ang kanilang naproseso at nabigyan ng Business Permit sticker.

Nagsimula ang “registration and renewal” ng Business Permits noong Lunes, January 5, at matatapos hanggang January 20.

Ilan sa mga negosyante na kumukuha ng business permit, January 9.
Ilan sa mga negosyante na kumukuha ng business permit, January 9.

Noong nagdaang taon, 2014 umabot sa 1,270 ang bilang ng mga negosyo na nagproseso at nabigyan ng Business Permit. Sa bilang na 350 sa unang limang araw ng rehistruhan, nasa ikatlong bahagi pa lamang ito ng kabuuan mula sa nagdaang taon.

Ayos kay Ms. Vanessa Nicolas, inaasahan pa nila ang pagtaas ng bilang ng kukuha at magre-renew ng business permits sa mga huling araw na inilaan para dito.

“Sa ngayon, umaga hanggang tanghali lamang maraming tao. Pero sa base sa experience namin, sa mga pa-huling araw, hanggang hapon na ang dating ng mga kukuha ng business permit.”, ayon pa kay Ms. Vanessa.

Paglalagay ng mga impormasyon ng mga business permits, January 9.
Paglalagay ng mga impormasyon ng mga business permits, January 9.

Samantala, magbubukas ng opisina ang Munisipyo sa darating na dalawang araw ng Sabado, January 10 at January 17, para pa rin sa mga kukuha at magre-renew ng kanilang business permits. Maaari din kumuha o magproseso sa nasabing petsa para sa mga cedula, prangkisa ng tricycle, buwis sa lupa at iba pa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s