Lomian Sa Pangao

Isa sa paboritong kumain dito si Ms. Ma. Kriselda Gomez, ang Mutya Ng Ibaan 2012 1st Runner-up mula Brgy. Panghayaan.
Isa sa paboritong kumain dito si Ms. Ma. Kriselda Gomez, ang Mutya Ng Ibaan 2012 1st Runner-up mula Brgy. Panghayaan.

Nauna sa lahat ng mga nakilalang lomian sa Ibaan, hindi pa rin bumababa o nawawala ang popularidad ng lomian sa Pangao.

Mas kilala bilang Lomian Sa Pangao, sa halip na Lomian Sa Baryo na kanilang nakarehistrong pangalan, walang oras o araw na pinipili ang pagpunta ng mga parokyano dito.

Nagyong araw ng Sabado, Disyembre 20, mayroong mga dumayo mula Batangas City, Lipa City at San Juan upang dito kumain ng lomi. Halos lahat ng lamesa ay okupado. Ke sosyal o ordinaryong tao, dito ang takbo.

Lalo na kapag araw ng Linggo, talagang punuan dito. Kahit na may mga kainan sa isawan, sa palengke at kung saan pa, kahit may kalayuan sa bayan at sasakay pa ng tricycle, marami pa rin ang dito ang naglolomi.

Bukod sa kulambo at tamales, lomi din ang isa sa mga naging pagkakakilanlan ng bayan ng Ibaan. Hindi na rin natin maitatanggi na malaking bahagi na ng kultura ng mga Ibaeno ang lomi.

Mayroon pa rin naman sa bayan ang masasarap ang lomi. At isa na dito ang Park View Lomi Haus. Hindi rin ito nagpapaiwan dami ng bumibisitang parokyano.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s