Paalala Ng PNP Sa Darating Na Kapaskuhan

Ilang araw bago sumapit ang Pasko at Bagong Taon, opisyal ng nagbigay ng paalala at pahayag ang CALABARZON Police Regional Office para sa kaligtasan ng publiko.

Sa natanggap ng dokumento ng Ibaan Municipal Police Station mula sa nabanggit na opisina, nakapaloob dito ang mga “tips” ng CALABARZON Police Regional Office na nakasentro sa pag-iingat at kaligtasan ng publiko at ng indibidwal na mamamayan.

Narito ang mga paalala ng nasabing opisina upang maiwasan ang krimen at karahasan sa darating na Kapaskuhan.

Simbang Gabi

Kung walang tao ang bahay:

  1. Itago sa ligtas na lugar ang mga mahalagang bagay tulad ng salapi, alahas, o kaya’y importantend dokumento. Mas mainam kung may kaha-de-yero sa bahay.
  2. Iligpit at itago ang anumang kagamitang nasa bakuran upang makaiwas-pansin sa mga nagtatangkang manloob ng bakuran. Maglagay ng kurtina sa mga bintana upang maiwasang mamataan ang mga mahahalagang kasangkapan.
  3. Bunutin ang lahat ng mga saksakan ng electrical appliances sa bahay bago umalis o kaya’y patayin ang main fuse upang makaiwas sa sunog habang wala sa tirahan.
  4. Ipagbilin ang bahay sa taong pinagkakatiwalaan o di kaya’y paki-usapan ang isang kamag-anak na pumirmi muna sa inyong bahay kung iiwan ito.
  5. Magpaskil sa malapit sa tlelepono ng emergency numbers ng pulis, bumbero, ospital at barangay tanod sa inyong lokalidad upang madaling makahingi ng tulong sa oras ng pangangailangan.

TANDAAN: Ang isang bahay na walang tao ay prime target ng panloloob at pagnanaka.

Mga Tips Sa Pamimili

  1. Ipinapagyo ng ating kapulisan na hangga’t maaari ay gawin sa uymaga ang pagsa-shopping dahil hindi pa traggice at hindi pa matindi ang sikat ng araw.
  2. Iwasan ang magsuot ng alahas dahil takaw-hablot ito sa snatchers.
  3. Magdala ng sapat na pera lamang na kakailanganin sa pamimili.
  4. Gumawa ng listahan ng mga bibilhin. Maaaring mag-surf muna sa internet kung saan ang pinakamalapit na mall, grocery o iba pang tindahan na kinaroroonan ng inyong balak na bilhin.
  5. Maging listo laban sa ipit-sukli gang, Laganap ito sa Divisoria, Baclaran at iba pang lugar na dinarayo ng mga mamimili dahil sa bargain sales. Iaabot sa iyo ang sukli ng kulang at kapag binilang mo sa harapan ng tindero, kukunin niya ulit at bibilangin. Sa pag-aakala mong tama na ang sukli dahil binilang ito sa harap mo ng di mo namamalayan na nakupit na nito sa ilalim ng kanyang kamay ang iba pang pera.
  6. Uso na rin ang palit-grocery gang. Sasamantalahin ng mga manggagantso ang paglapag mo ng iyong bag of groceries habang nagpi-fillup ka ng coupons sa mga promo. Biglang may lalapit na magkukunwaring sasali din sa promo at biglang dadamputin ang bag of groceries mo at iiwan ang kaniya. Magugulat ka na lang dahil puro bato at basura ang laman ng naiwan sa’yo.

Para Maiwasan Na Ma-Snatch Ang Cellphone

  1. Habang naglalakat ay huwag mag-text at makipag-usap sa cellpone. Matakaw sa mata ng mga magnanakaw ang mga mamahaling cellphone.
  2. Kung hindi gagamit ng cellphone, i-silent ito dahil ang tunog ay nakaka-attract sa atensyon ng mga magnanakaw.
  3. Kung may tumawag o nag-text, humanap ng sage na lugar upang doon sagutin ang tawag o text.
  4. Kung nakasakay sa pampublikong sasakyan, huwag makipag-text at makipag-tsikahan. Mas marami ang naaagawan habang nakasakay sa dyipni kaya siguraduhing nakatago ang iyong cellphone sa bulsa or bag.

Para Maiwasan Ang Mandurukot

  1. Kung hindi nagmamadali, iwasang sumakay sa sikip na bus or jeep, o sa MRT/LRT.
  2. Kung ang bus, jeepney o pampasaherong tren na sinasakyan ay punung-puno, huwag matiwala sa iyong katabi o sa taong nasa likod. Ingatan ang  iyong pitaka o anumang mahalagang gamit.
  3. Sa harap lagi ilagay ang bag at wallet, o anumang bagay na madudukot.
  4. Kung namimili, huwag magtiwala sa mga taong nasa paligid na kunwari ay anmimili.
  5. Huwag makipagsiksikan sa mga mataong lugar.
  6. Kung mamimili, magsama ng isang kamag-anak o kaibigan.

Kung sakali man na makaranas ng mga sakuna or krimen, maaaring makipag-ugnayan sa Police Regional Office CALABARZON. Narito ang mga numero na maaaring kontakin:

  • Ibaan MPS – (043) 414 – 1041 / 0927-731-3259 / 0929-744-9253
  • Batangas Regional Police Office – (043) 980 – 0400
  • Police Regional Office CALABARZON – (o49) 834 – 1601 Local 6103 / 0917-897-4365
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s