Oplan Yuletide Fire Safety Ng Ibaan BFP

Para pa rin sa kaligtasan at kahandaan ng komunidad sa anumang sakuna, lalong higit ang sunog, magiging mataas ang visibility ng Bureau Of Fire Protection – Ibaan Office ngayong susunod na linggo ng Kapaskuhan.

Gamit ang fire truck, maglilibot ang kawani nito sa komunidad, partikular sa bayan, lalo na sa Simbang Gabi o Misa de Gallo sa December 24, sa umaga ng December 25 hanggang December 26.

Base s memorandum mula sa BFP Regional Headquarters 4-A CALABARZON, Camp Vicente Lim, Calamba City, may petsang December 1, 2014, inaatasan ang mga opisina nito, kasama ang mga nasa munisipalidad, magsagawa ng paglilibot sa umaga at sa gabi sa mga nakatakdang oras:

December 22-23, 2014

  • Morning: 8:00am – 9:00am
  • Evening: 6:00pm – 7:00pm

December 24, 2014

  • After the mass: 10:30pm – 11:30pm

December 25, 2014

  • Morning: 8:00am – 9:00am

December 26, 2014

  • Morning: 8:00am – 9:00am
  • Evening: 6:00pm – 7:00pm

Nakapaloob din sa nasabing memorandum ang mga paalala ng ahensya upang makaiwas sa sunog at iba pang sakuna:

  1. Gumamit lamang ng mga ilaw at dekorasyon elektrikal na aprubado ng Bureau of Product Standards;
  2. Huwag magsaksak sa mga wall outlet at extension cords ng sobra sa kapasidad nito;
  3. Iwasan magkabit o maglagay ng kandila malapit sa kurtina, Christmas tree o mga dekorasyon. Maaari din itong pagmulan ng sunog;
  4. Iwasan magkabit ng mga Christmas lights sa Christmas tree na gawa sa metal o plastik;
  5. Patayin ang mga Christmas lights at iba pang dekorasyong elektrikal bago matulog o umalis ng bahay;
  6. Kung sakali man na aalis ng tahanan, ugaliing alisin sa electrical outlet ang mga appliances.

Kung kinakailangan at kung may makitang senyales ng sakuna, maaari din magsagawa ng BFP – Ibaan ng inspeksyon sa mga establisyamento o lugar na pinagtitindahan ng mga pang-dekorasyong elektrikal. Maaari din silang makipag-ugnayan sa mga barangay at magbigay ng mga paala at tagubilin bilang bahagi naman ng “Barangay Fire Prevention Program” ng ahensiya.

Para sa iba pang mga katanungan at impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa kanilang opisina sa lokal na pamahalaan ng Ibaan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s