Iskolar Ng Bayan, Pumasa Sa Senado

Pormal ng naipasa sa Senado at pinirmahan na ni Pangulong Aquino ang “Iskolar Ng Bayan Program” o Republic Act No. 10648 nitong nagdaang linggo.

Photo source: www.soulcomfortonline.com
Photo source: http://www.soulcomfortonline.com

Sa nasabing batas na ipinanukala ni Sen. Allan Peter Cayetano, pasok bilang Iskolar Ng Bayan ang mga highschool students na nasa Top 10 na magsisipagtapos sa susunod na taon, 2015, mula sa mga pampublikong paaralan at state colleges.

Itinakda din sa batas na hindi na kailangang kumuha ng “entrance exam” ang mga bata na nabibilang sa Top 10 “graduating class” sa kanilang pagpasok sa “state colleges and universities” o sa kanilang napiling unibersidad/kolehiyo sa loob na kanilang probinsya o kalapit na probinsya depende sa laki ng paaralan at mga kurso dito.

Hindi na naman isinama ang Univeristy Of The Philippines sa mga SCU na maaring pagpiliin ng mga Iskolar dahil na rin pagkakaroon nito ng “institutional autonomy”. Ganun pa man, hinikayat na magsagawa ang UP ng programa upang mapagbigyan  ang mga Iskolar.

Sa programa, hindi magbabayad ng tuition ang estudyante ng tuition at kahit anong miscellaneous fees sa unang taon. Sa ikalawang taon, masasakop na silang “financial assistance” ng mula sa Commission On Higher Education (CHED) kung saan mayroon ng mga “criteria” na dapat sundin o i-satisfy ang mga Iskolar upang mapanatili ang kanilang scholarship.

Ayon kay Sen. Allan Peter Cayetano, prinsipal na isponsor at awtor ng batas, inaasahan na aabot sa 80,000 ang makikinabang dito sa susunod na taon, 2015. Ayon pa sa kanya, ang batas ay magsisilbing kasagutan sa pagkawala ng mga scholarship grants na pinopondohan ng Priority Development Assistant Fund (PDAF). Halos 400,000 ang nawalan ng scholarship dahil na rin sa pagkawala ng PDAF.

Naglaaan na ng P3.5 billion ang national government para sa scholarship sa SUCs mula sa panukalang P2.6-trillion national budget para sa taong 2015. Naglaan na rin ang CHED ng P2.2-billion para naman sa kanilang “student financial aid.

Source: www.senate.gov.ph / alanpetercayetano.com / www.gmanetwork.com / www.mb.com.ph

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s