Agricultural Products Exchange Station Sa Palengke

November 27, 2014

Patuloy pa rin na ginagawa ang istraktura na itinalaga bilang “Agricultural Products Exchange Station”. Matatagpuan ito sa unahang bahagi ng Ibaan Public Market.

Ibaan Agricultural Products Exchange Station
Ibaan Agricultural Products Exchange Station

Halos tatlong linggo na ang nakakaraan nang simulan ang proyekto, pangunahing layunin ng proyekto ito na maging bagsakan ng mga gulay, prutas, at iba pang produktong agrikultural mula sa ibang bayan.

Upang maisagawa ang layunin, makikipag-ugnayan ang Ibaan Municipal Agriculture Office sa mga magsasaka ng iba’t ibang bayan upang hikayatin na magdala ng kanilang mga produkto sa Ibaan. At dahil sa agricultural products ang nandito, tinatawag na rin ang istraktura bilang “food station”.

Matatagpuan dito ang organic agricultural products ng lokal na magsasaka ng Ibaan tuwing Sabado.
Matatagpuan dito ang organic agricultural products ng lokal na magsasaka ng Ibaan tuwing Sabado.

Magiging “wholesale” naman ang proseso ng bentahan ng produkto sa lugar na ito sa palengke tuwing Sabado. Pero higit sa lahat, bibigyang prayoridad ang mga lokal na magsasaka ng Ibaan, lalong higit ang mga organikong magsasaka, upang mabigyan ng sapat na pagkakataon na maibenta sa mamimimili ang kanilang produkto.

Inaasahan na magiging “operational” na ito hanggang sa ikalawang liggo ng Disyembre ng taong kasalukuyan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s