Muling Follow-Up Para Sa Palindan Road

November 10, 2014

Muling nakipag-usap si Mayor Danny Toreja kay Batangas Provincial Engineer Nerio Ronquillo hinggil sa estado ng kalsada sa Brgy. Palindan, Ibaan, Batangas.

November 10, 2014. Mayor Danny Toreja, kasama sina Atty. Guerra, ABC President Jose Bicol at Municipal Engineer Lalaine Salagubang habang nakikipagusap kay Batanga Provincial Engineer Ronquillo at ang may-ari ng Triple AAA Construction.
November 10, 2014. Mayor Danny Toreja, kasama sina Atty. Guerra, ABC President Jose Bicol at Municipal Engineer Lalaine Salagubang habang nakikipagusap kay Batangas Provincial Engineer Nerio Ronquillo (dulong kaliwa) at ang may-ari ng Triple AAA Construction.

Sa pagpupulong, muling naglabas ng pagkadismaya si Mayor Toreja sa bagal ng pag-usad ng pagsasaayos nito. Ipinaliwanag namang muli ni Engr. Ronquillo ang mga naging problema at ang kanilang sunod na hakbangin para dito.

Inabot na ng 2 taon nang simulan ang pagbubungkal ng kalsada na hanggang sa ngayon ay nakatiwangwang pa rin. Labis na rin ang galit at pagkadismaya ng mamamayan ng Ibaan sa perwisyo na dulot nito. Maraming mga sulat na rin ang ipinadala ng Office of the Mayor (Ibaan) sa opisina ng Provincial Engineering sa pag-asa na makapag-bigay sila ng paliwanag sa estado ng kalsada. Subalit hindi naman agad nila ito nabibigyan ng pansin (mayroong compilation ng sulat sa Provincial Engineering Office at minutes of meeting ang Office of the Mayor). Naging bukas lamang sa pakikipag-usap ang Provincial Engineering sa Office of the Mayor simula noong lumabas ang isang tarpaulin patungkol sa kalsada sa Palindan.

Ayon kay Engr. Ronquillo, may sariling kagamitan o equipment ang panibagong contractor ng Palindan Road na Triple A Construction (napagigitnaan ni Engr. Salagubang at Engr. Ronquillo.
Ayon kay Engr. Ronquillo, may sariling kagamitan o equipment ang panibagong contractor ng Palindan Road na Triple A Construction (napagigitnaan nina Engr. Salagubang at Engr. Ronquillo.

Ayon kay Engr. Ronquillo, malaki ang naging kakulangan ng naunang “contractor” nito na Kensal Rise Construction . Dahil sa kawalan ng equipment, rumerenta lang umano ito sa ibang contractor upang magamit sa kalsada ng Palindan. At dahil hiram lang ang equipment, pinilit ng naunang contractor na i-maximize ang paggamit nito sa pamamagitan ng patuloy na pagbabakbak ng kalsada bago pa isoli ang mga equipment. At sa maraming pagkakataon, tila hindi na muling nakahiram ang naunang contractor na nagresulta  sa kasalukuyang estado ng kalsada.

Ang mahirap pa dito, hindi kailanman nagbigay ng kopya ng “program of work” o programa ng pagsasagawa ng kalsada ng Palindan ang opisina ng Provincial Engineering Office. Hindi rin sila nagbigay ng karagdagan pang mga detalye at imposmasyon tungkol sa naunang kontraktor ng kalsada. Nakapagtataka din na naibigay ang kontrata ng paggagawa ng kalsada sa Brgy. Palindan sa isang contractor na walang sariling kagamitan o equipment gayung Provincial Road ang kanilang gagawin.

Nakailang beses na rin na nakipag-pulong ang Kensal Rise Construction sa tanggapang ng Punong Bayan. At sa bawat pagpupulong, hinihingan ng paliwanag ito. Isa sa mga dahilan na sinabi nito na nagresulta ng pagkaantala ng kanilang proyekto at pagkasira ng kanilang mga naunang nagawa ay ang mga truck ng contractor ng STAR Toll.

Kasalukuyang estado ng pagsasaayos ng Palindan Road, November 25.
Kasalukuyang estado ng pagsasaayos ng Palindan Road, November 25.

Sa pamamagitan ng Provincial Engineering Office, nakipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan sa contractor ng STAR Toll para sa kooperasyon at tulong na rin para sa pagsasaayos ng kalsada. Naging limitado naman ang tulong na naibigay nito dahil sa ang pagpapagawa ng kalsada ay nasa hurisdiksyon at pamamahala ng Provincial Government,.

Sa nakaraang pag-uusap, sinabi ni Engr. Ronquillo na ipapa-ban na niya ang naunang contractor. Nangako din ito na magsasagawa pa ng “on-top-of-the-project”, o karagdagang modipikasyon mula sa orihinal na programa, kaugnay pa rin ng pagsasaayos ng kalsada. Halimbawa nito ay ang pagpapakapal ng “base course” kumpara sa orihinal na kontrata.

Pumili naman ng panibagong kontraktor ang opisina ni Engr. Ronquillo. At ito nga ay ang Triple AAA Construction. Ayon kay Engr. Ronquillo, mayroon itong sariling kagamitan o equipment kung kayat walang dahilan pa para maantala ang proyekto.

Mariin naman na hiniling ni Mayor Toreja na “remove and replace” ang gawin sa kalsada ng Palindan. Dito, tatanggalin lahat o ang buong kalsada, kasama na ang mga naunang ginawa ng naunang kontraktor, at papalitan ng panibagong latag ng semento. Subalit hindi pumayag si Engr. Ronquillo. “Re-blocking” pa rin umano ang gagawin nila dahil ito na ang nakasumiteng programa sa Commission On Audit.

Tinawag na “on-top-of-the-project”, ayon pa kay Engr. Ronquillo, dahil na rin sa labis na perwisyo na naidulot sa bayan ng Ibaan, magsasagawa pa sila ng ilang karagdagang trabaho o modipikasyon na higit pa sa itinakda ng naunang plano.

Hiniling din ni Mayor Toreja na mabigyan na na ang kanyang opisina ng opisyal na kopya ng programa ng proyekto para sa mas “specific” na detalye nito.
Sinimulan na ang muling pagsasaayos ng kalsada noong November 11, 2014.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s