Tricycle Drivers, Nakipagpulong

November 10, 2014

Si Mrs. Lilian Ramos ng MPDC habang nakikipagpulong sa grupo ng tricycle drivers, November 10.
Si Mrs. Lilian Ramos ng MPDC habang nakikipagpulong sa grupo ng tricycle drivers, November 10.

Nakipagpulong ang mga representante ng tricycle drivers mula sa iba’t ibang ruta at biyahe sa Municipal Planning And Development Council (MPDC) sa pamamagitan ni Mrs. Lilian Ramos, November 10.

Sa mga nakalipas na taon, unti-unti na tumataas ang bilang ng mga tricycle na bumibiyahe sa bayan ng Ibaan. Ilang ordinansa na rin ang naipasa upang maisaayos ang kanilang serbisyo sa publiko. Sa nasabing pagpupulong, sila naman ang hiningan ng mga suhesyon hinggil sa serbisyo ng lokal na pamahalaan, lalong higit sa pagre-renew ng kanilang prangkisa. Ganun din, naglabas na rin ng hinaing ang grupo patungkol sa kanilang estado bilang pampublikong sasakyan.

Ilan sa mga pangunahing isyu na nabuksan sa pagpupulong ay ang pagdami ng bilang ng mga “colorum” at ang “color coding”.

Ayon sa grupo, labis silang naaapektuhan ng mga “colorum”, o mga tricycle na walang prangkisa o hindi rehistratado bilang pampublikong sasakyan. Malaking kabawasan umano sa kita nila ang mga ito gayung sila ang mas may karapatan na bumiyahe.

Hindi rin umano nagugustuhan ng grupo ang pagbiyahe ng ilang mga tricycle na hindi tugma sa kanilang mga linya.

Binigyan diin din nila ang paghiling sa lokal na pamahalaan at pulisya na higpitan at patuloy na manghuli ng mga colorum, lalo na ang mga walang pasubali na bumibiyahe at nakikipag-agawan o nakikipagkumpetensiya sa mga may rehistro at prangkisa.

This slideshow requires JavaScript.

Isa sa mga halimbawa na ibinigay nila ay ang bayan ng San Jose. Ayon sa kanila, hindi sila makapaghatid ng pasahero sa San Jose dahil hinuhuli sila ng pulis pagdatin sa bayan dahil sala umano sila sa kanilang linya. Kapansin-pansin din umano na sa taong 2014, tila baga wala man lamang nahuli o hinuli na colorum na isa sa mga naging dahilan ng paglakas ng loob ng mga ito.

At ang isa pinakamalaking sakit ng ulo umano nila ay ang pagbiyahe ng mga pribadong sasakyan.

Samantala, nabuksan din ang isyu ng “color coding”. Nauna na nilang hiniling huwag nang sa bubong ng tricycle ilagay ang kulay ng bawat linya dahil na rin sa pagkupas nito. Sa ganitong pagkakataon, nag-iiba na ang kulay at napagkakamalan na sila na bumibiyahe taliwas sa kanilang lehitimong linya.

Base dito, naging suhestiyon ng grupo na pintahan na lamang harapang ng kani-kanilang tricycle para sa mas mabilis na pagkakakilanlan.

Ipananukala naman ng MPDC na maglagay na lamang ng isang malaking “strip” ng “colored sticker” sa harapan ng sidecar o kaya ay sa bubog nito.

Sinabi din ng MPDC na sa kasalukuyan, tinatalakay na sa Sangguniang Bayan ang mga alternatibong paraan o kung anong “scheme” ang gagamitin para sa “color coding”.

Magkakaroon pa ng sunod na pagpupulong ang MPDC at ang grupo ng tricycle drivers upang pormal nang mabalangkas ang mga susunod na hakbang lalo na sa darating na buwan ng Disyember.

Inaasahan din ang pagdalo ng grupo sa sesyon ng Sangguniang Bayan para din maiparating ang kanilang hinaing at problema na maaaring makatulong sa pagbalangkas ng ordinansa para sa mas maayos na serbisyo sa publiko.

Bagama’t aminado ang MPDC at grupo ng mga tricycle drivers na hindi magiging madali ang pagresolba ng mga nabanggit na problema, positibo pa rin sila na mahahanapan din ng solusyon ang mga ito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s