Seminar Para Sa Lupon Ng Katarungang Pambarangay

Si Mayor Danny Toreja habang nagbibigay ng kanyang mensahe sa mga partisipante ng seminar.
Si Mayor Danny Toreja habang nagbibigay ng kanyang mensahe sa mga partisipante ng seminar.

August 13, 2014

Upang higit na madagdagan ang kaalaman ng Lupon Ng Katarungang Pambarangay, isang seminar ang isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Ibaan sa noong ika-13 ng Agosto. Katuwang ang Municipal DILG Officer Lorna Silva, binigyang diin ng seminar ang mga tungkulin na dapat gamapanan ng Katarungang Pambarangay.

Ang Katarungang Pambarangay ay binubuo ng mga miyembro na itinalaga ng Punong Barangay. Upang maibsan ang mga korte mula sa napakaraming kaso na kailangang dinggin sa sala ng mga ito, ang Katarungang Pambarangay ang siya munang mamamagitan sa anumang alitan o hindi pagkakaunawan ng mga miyembro ng mga kumunidad. Intensyon nito na mabigyan o magawan ng mabilisang solusyon o ang tinatawag na “amicable settlement” ang magkabilang panig.

Ibaan DILG Officer Lorna Silva, isa sa mga nanguna sa pagbuo ng seminar.
Ibaan DILG Officer Lorna Silva, isa sa mga nanguna sa pagbuo ng seminar.

Ginagawa din ang bagay na ito bago pa man magsampa ng kaso ang magkabilang panig sa pulisya. Halos lahat ng mga krimen, alitan, o hindi pagkakasunduan na may parusang pagkakakulong ng hindi lalampas ng isang taon at multa ng hindi lalampas ng P5,000.00 ay nararapat na dumaan sa Katarungang Pambarangay. At kung sakaling hindi umabot sa pagkakasunduan ang magkabilang panig, saka pa lamang sila mapapahintulutan na tumuloy sa pagsasampa ng kaso sa pulisya matapos silang mabigyan ng sertipikasyon ng Katarungang Pambarangay.

Malaki naman ang tiwala ni Mayor Danny Toreja na sa pamamagitan ng nasabing seminar, mas magiging progresibo ang pagtalakay ng Katarungang Pambarangay sa bawat reklamo o kaso na ilalatag sa kanila.

Ang seminar ay ginanap sa Villa Marines Resort sa Brgy. Malainin na dinaluhan naman ng mga miyembro ng Katarungang Pambarangay mula sa lahat ng barangay ng bayan ng Ibaan.

More photos.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s