Pagbuhay Sa Habi

Table runner gawa sa habi.
Table runner gawa sa habi.

Bukod sa tamales, kulambo, tubo at lomi, isa sa pangunahing produkto ng Ibaan ang “Habi”.

Read related article here.

Halos kasabay ng paggawa ng naunang kulambo ng Ibaan ang paghahabi. Sa mga naunang taon, karamihan ng mga mamamayan sa iba’t ibang barangay ay mayroong makinarya na gawa sa kahoy na siyang ginagamit sa paggawa ng kulambo. Habang ang ilang naman ay sinimulan din ang paghahabi, partikular ang mga kumot.

Sa kasamaang palad, sa paglipas ng panahon, unti-unti rin nawawala o nakalimutan ng mamamayan ang paghahabi, tulad din ng pagkawala ng tradisyunal na kulambo ng Ibaan. Kaya naman, sa kasalukuyan, gumagawa ang lokal na pamahalaan ng iba’t ibang pamamaraan upang patuloy na buhayin ang habi.

Bukod sa kumot, ipinakilala na rin ang mga pillow case, table runner, pouch, coin purse and iba pa, gamit ang tela mula sa habi. Ang mga nasabin produkto naman ay matiyagang isinasali ng lokal na pamahalaan sa mga “exhibit” na binubuo ng iba’t ibang organisasyon, pribado man o pampubliko.

Sa pakikipagtulungan ng opisina ng turismo, patuloy din ang opisina ng Punong Bayan sa paghahanap ng pondo na maaaring magamit ng mga mag-hahabi sa Brgy. Munting Tubig para sa patuoy na produksyon ng mga ito. Nakikipag-ugnayan na din sa mga “fashion designer” para sa mga posibilidad na maisangkap ang habi sa kanilang mga disenyo.

Masasabi na isang kayamanan ng Ibaan ang habi. Kaya naman malakas ang pagnanais ng lokal na pamahalaan na buhayin ito.

 

More photos.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s