Identification Card Para Sa Barangay Officials

Barangay ID template
Barangay ID template

Upang maestablisa ang mas higit na pagkakakilanlan sa mga opisyales ng barangay, sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Ibaan ang paggagawa ng libreng Identification Card o ID para sa lahat ng opisyales at nagtatrabaho sa barangay.

Pangunahin na bibigyan ang mga elected barangay officials, barangay secretary at treasurer, barangay tanod, barangay lupon, barangay health workers at barangay nutrition scholars.

PVC ID printer.
PVC ID printer.

Nauna nang nabuo ang plano para dito nitong nagdaang taon. Hindi man naging tuloy-tuloy ang proseso, nasimulan naman ang pagkuha ng mga larawan ng mga opisyales at iba pa na siyang ilalagay o gagamitin sa ID. Kasabay na rin nito ang pagbuo ng disenyo nito.

Ang control number naman na gagamitin sa ID ay nagmula sa Department Of Interior And Local Government (DILG).

Ang ID ay gawa sa PVC card tulad ng mga ATM Cards, driver’s license at iba pang kahalintulad nito. Kung mabibigay sa mas madaling panahon, ang ID ay mapapaso hanggang 2016.

Isa pa rin sa pinaplano ni Mayor Danny Toreja ay ang mabigyan din ng ID ang mga maglalako na nakakarating sa iba’t ibang lugar. Layunin din nito ang pagkakaroon ng sapat na pagkakakilanlan na maaari nilang maipresenta sa kanilang mga kliyente o kustomer sa kanilang paglalako.

Sa kasalukuyan, kasabay ng Ugnayan Sa Barangay, kasama ang ilang empleyado mula sa IT Office, patuloy na isinasagawa ang “signature and photo capturing”. Nauna na ring hiningi ng lokal na pamahalaan ang mga impormasyon na ilalagay sa ID na prinoseso naman ng IT Office. At kung sakaling kumpleto na ang mga detalye, kasama ang larawan at pirma, mapi-print na ang ID at makukuha na ng barangay officials bago pa man matapos ang isinasagawang Ugnayan Sa Barangay.

ibaan health workers bns id mayor danny toreja ugnayan sa barangay 4

ibaan health workers bns id mayor danny toreja ugnayan sa barangay 1

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s