Farmer’s Field School On Organic Agriculture Ng IMAO, Matagumpay

ibaan farmers field training on organic farming iba ang ibaan ethel caiga mayor danny toreja 13Isa sa pangunahing programa ng Ibaan Municipal Agriculture Office (IMAO), matagumpay na naidaos ang Farmer’s Field School On Organic Agriculture (FFSOA). Opisyal din na kinilala ang pagtatapos ng mga partisipante sa isang programa na isinagawa sa IMAO noong Nobyembre 5.

Mula pa man sa unang mga buwan ng panunungkulan ni Ms. Ethel Joy Caiga, Municipal Agriculturist, naging misyon na niya ang pagpapalaganap ng “organic farming”. Bukod sa magandang epekto sa kalusugan, ikinukunsidera din ang ganitong programa bilang alternatibong pagkakakitaan. Ganito rin ang naging pananaw ng mga partisipante ng katatapos na FFSOA.

Bagama’t maraming nang naunang programa na isinagawa ang IMAO tungkol sa organic farming, ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng intensibong pagsasanay para sa mga magsasaka. Ang nasabing programa ay naisakatuparan sa pamamagitan din ng tulong ng Department of Agriculture at Agricultural Training Institute – Region IVA.

Ang ganitong mga programa ay malakas din na sinusuportahan ng lokal ng pamahalaan ng Ibaan sa pangunguna ni Mayor Danny Toreja.

Nakakatuwang isipin na ilan sa mga partisipante ay mga retiradong guro na nagnanais pa rin na maging produktibo at aktibo sa komunidad sa pamamagitan ng organikong paghahalaman. Nandiyan sina Teacher Nicanora A. Conti at Teacher Melba R. Gualberto. Ganun din, bagamat matagal na rin na gumagawa ng organikong pagsasaka, masigasig pa ring nakalahok ang magkapatid na Luis at Victor Gamboa ng Brgy. Sabang. Bukod sa mga bagong kaalaman na kanilang matututunan, ninais din nila na maibahagi ang kanilang kaalaman at karanasan sa mga kasamahan nilang partisipante ng FSS.

Ang organikong magsasaka ng Ibaan.
Ang organikong magsasaka ng Ibaan.

Ang Programa

Ibaan Municipal Agriculturist Ethel Joy Caiga habang nakikisaya sa mga nagsipagtapos ng FFSOA.
Ibaan Municipal Agriculturist Ethel Joy Caiga habang nakikisaya sa mga nagsipagtapos ng FFSOA.

Ang FFSOA ay isinagawa sa loob ng labing-anim (16) na linggo na ginaganap tuwing Martes. Nagsisimula ang araw ng mga partisipante ng 6:30am sa pamamagitan ng farmers’ field school. Dito, aktwal na pagsasaka ang kanilang isinasagawa kung saan ang mga bakanteng lote sa paligid ng IMAO ang ginawa nilang mga “plot” para sa kanilang “organic vegetable production”. Kinapapalooban ito ng tinatawag na leraning by doing, seed to seed, o from land preparation to harvest time.

Pagdating ng 10:00am, nagsisimula naman ang kanilang mga lectures. Pangunahing tagapagsalita naman sa mga lectures sina Ms. Ethel Joy Caiga, Ms. Anabelle Alday at Ms. Rowena Javier. Kasama sa mga topics nila ang mga sumusunod:

  • climate change
  • seedling mix preparation
  • care of seedlings
  • land preparation
  • pruning and staking
  • pest and disease management
  • vermicomposting
  • harvest and post harvest handling
  • cost and return analysis
  • natural farming inputs (organic fertilizer and pesticides)

Maging ang mga partisipante ay nagsagawa din ng pagtuturo. Sa bawat sesyon, matapos ang mga preparasyon sa kanilang mga plot, nagbibigay sila ng kanilang mga lectures at mga visual aids upang ibahagi sa iba pang partisipante ang kanilang mga ginawang preparasyon at karanasan sa kanilang mga asignatura.

Mayor Danny Toreja na isa rin sa lubos na natuwa sa nakamit ng mga partisipante.
Mayor Danny Toreja na isa rin sa lubos na natuwa sa nakamit ng mga partisipante.

Ang Pagtatapos

Magkahalong tuwa at saya ang naramdaman ng lahat sa pagdating ng araw ng pagtatapos ng programa. Ganun pa man, lubos ang pasasalamat ng lahat sa kanilang mga natutunan. Ayon pa kay Ms. Ethel, sa panahon na isinasagawa ang FFSOA, mistulang isang pamilya ng magsasaka ang nabuo ng mga partisipante. Tinaggap nila ang isa’t isa sa ngalan ng organikong pagsasaka.

At para maging lubos ang kasiyahan, isang pagtitipon ang ginanap upang kilalanin ang opisyal na pagtatapos ng mga partisipante. Nagkaroon ng iba’t ibang presentasyon mula sa bawat grupo na naghatid ng ngiti at luha sa bawat isa.

Sa parte ng mga partisipante, nagpahayag sila ng kahandaan na tumulong sa pamahalaang lokal upang mapalaganap ang organikong pagsasaka sa bayan ng Ibaan. Sa kaalaman na kanilang nakamit, maging sila ay maaari nang magbahagi na kaalaman sa organikong pagsasaka.

Nagkaroon din ng tinatawag na “fold media presentation” ang mga nagsipagtapos tulad ng tula, folk dance, balagtasan, at folk song. At tulad ng pagtatapos sa mga paaralan, nagkaroon din ng sariling “batch song” o “graduation song” ang mga partisipante.

Video ng sa isa sa mga presentasyon ng mga partisipante.

Naging panauhin sa pagtitipon sina Mayor Danny Toreja, Vice Mayor Sixto Yabyabin, Municipal Administrator Rico Caringal, Mun. Councilors Juvy Mendoza at Rodel De Castro. Dumating din upang batiin ang mga nagsipagtapos ang ilang sa mga Punong Barangay tulad nina Kap. Dayo Fortus (Malainin), Kap.Narciso Papio (Sabang), Kap.Paqui Barte (Matala), Kap. Mino Montalbo (Pangao), at Kap. Udong (Lapu-lapu).

More photos at Albums 1, 2, 3, and 4.

Programa Ng Pagtatapos

  • Panalangin: Gng. Rowena U. Javier (Agricultural Technologist)
  • Pambansang Awit
  • Panatang Makapalay: G. Victor Gamboa (Kalahok ng FSS)
  • Pagpapakilala sa mga Panauhin at mga Magsisipagtapos: Bb. Ethel Joy Caiga (Ibaan Municipal Agriculturist)
  • Pambungad na Pananalita: Kgg. Juan V. Toreja (Punong Bayan)
  • Paglalagom: Gng. Annabelle D. Alday (Agriculture Technologist)
  • Mga Impresyon: Mga Kalahoik ng FSS
  • Tugon: Bb. Ethel Joy Caiga
  • Pampasiglang Bilang (Folk Media)
  • Mga Mensahe: G. Pedrito Martin M. Dilan, Jr (OIC-Panlalawigang Agrikultor, Batangas), Dir. Vilma Dimaculangan (OIC-Regional Executive Director, DA-RFU-IVA), G. Cesar N. Vida (Center Director, ATI Region IVA)
  • Pampasiglang Bilang (Modern Dance): Mga Magsisipagtapos Ng FSS
  • Paggawad Ng Mga Parangal
  • Pagpapakilala at Pagpapatibay Ng Mga Nagsipagtapos
  • Pamimigay Ng Mga Sertipiko
  • Pangwakas Na Pananalita: Kgg. Rodel de Castro (SB Member, Chairman-SB Committee On Agriculture)

Ang Mga Nagsipagtapos At Partisipante Ng Farmers Field School On Organic Vegetable Farming

  1. Aguila, Lourdes D.
  2. Amparo, Flora R.
  3. Andal, Rufina M.
  4. Balbacal, Analene V.
  5. BAril, Melinda U.
  6. Barte, Hernani A.
  7. Brozas, Angelita C.
  8. Cantos, Valentina P.
  9. Conti, Nicanora A.
  10. De Chavez, Evelyn T.
  11. De Torres, Glicerio A.
  12. Dejac, Bernardina M.
  13. Dela Pena, Lucia M.
  14. Dela Pena, Nemesio A.
  15. Fabregar, Jovito A.
  16. Gamboa, Luis Victor P.
  17. Gamboa, Victor P.
  18. Gonzales, Fresca E.
  19. Gualbertop, Melba R.
  20. Hosmillo, Lesel H.
  21. Lopez, Jimmy M.
  22. Mangilit, Cristeto M.
  23. Panaligan, Rosalia D.
  24. Pasia, Josephine S.
  25. Penid, Rosalie S.
  26. Perez, Benigna C.
  27. Rabano, Roberto P.
  28. Real, Vivencia D.
  29. Rocio, Teresita M.
  30. Salcedo, Manuel M.
  31. Semira, Teddy D.
  32. Tanyag, Anacleta M.
  33. Tulipan, Liezel I.

Tula

Buhay ko, buhay mo, buhay nating lahat

  • Ito’y mahalaga sa atin tuwina
  • Paano aalagaan at pagkaingatan
  • Pagka’t lahat tayo’y may kaugnaya sa isa’t isa
  • Malimit masabi ng nakatatanda,

 

  • Kumain ng gulay na masustansiya.
  • Hahaba ang buhay at lulusog pa,
  • Pati kutis mo’y sadyang gaganda.
  • Nakalalasong chemical siyang ginagamit
  • Sa ating gulaying ating nakakain

 

  • Di nila alam, sakit at karamdaman
  • Bigay nito sa tao at sa kalikasan
  • Organikong pagtatanim, naisip ng gobyerno
  • Sa mga magsasaka, kanilang ituturo

 

  • Upang makatulong sa barangay
  • Sa bayan, at sa lahat ng tao
  • Sa ganitong paraan, tao’y sisigla
  • Gulay na kinakain, talagang masustansya

 

  • Mga kabataan ay namumulat na
  • Sa organikong pagtatanim, napapanahon na
  • Organikong talagang kakaiba
  • Sustansya nito ating malalasa
  • Ating paligid talagang gaganda

 

  • Tunay na epekto, ating makikita
  • Kami na inyong mga natutlungan
  • Tanging pasasalamat at palakpakan
  • Aming maihahandog sa inyong harapan

 

  • At wagas naming katapatan
  • Ngayong kaming lahat ay natuto na
  • Tanaw ang pag-asa, pag-asenso’y narito na
  • Kaya sabay-sabay nating banggitin ito
  • Klik na klik sa organic, Ibaan yata ‘to!

Balagtasan

Obet:

  • mga katoto kong mahal, halina’t ating pakinggan
  • dalawa nating kasamahan, na ngayo’y magtatagisan
  • patutunayan ng bawat isa, ang kanilang katuwiran
  • kung laing ba talaga ang pinakamabuting paraan
  • organiko nga ba o ang komersyal na paraan
  • ang dapat na gamitin, sa sakahan at gulayan
  • kkumbinsihin bawat isa, sa paraang nalalaman
  • sa panig ng pagtatanim sa organikong paraan
  • ay ang batang-bata (noong ara) na si Kuya Glen ang pangalan
  • at sa paggamit naman ng patabang komersyal
  • si Ate Velentina naman ang maninindigan
  • alin nga ba ang dapat gamitin ng magsasaka
  • ang patabang organiko o ang patabang komersya?
  • parehong maglalatag ng katuwirang mahihisay
  • halina’t tayo’y makining, at palakpaka’y iaalay
  • sa dalawang nasa harap nyo
  • na kanina pang naghihintay
  • ang unang titindig sa inyong harapan
  • ay si Ate Velentina sa panig ng komersyal
  • halina’t salubungin natin siya ng ngiti at palakpakan

Valentina:

  • marami pong salat sa palakpakang ibinigay
  • akin po ngayong bibigyan ng katuwiran
  • ang pagsasaka at taniman sa larangang komersya
  • pataba kung gamitin agad ay mamamasdan
  • magandang tubo ng palay at pati ng gulayan
  • kung mabilis ang paglago ng ating mga tanim
  • madaling mapepera ang ating aanihin

Glen:

  • ay naku katoto ko, iyan ba ang ipinagmamalaki mo?
  • madaling mapera ang mga pananim mo?
  • hindi mo ba nalalaman ang pinsalang dulot nito
  • sa ating kapaligiran at kalusugan ng tao?
  • organikong pamamaraan ang syang gamitin
  • matabang compost, malusog ang pananim mo
  • ngunit kapag kemikal ang ginamit mo
  • mga sakit makukuha, kalikasa’y magdurusa

Valentina:

  • ay naku naman katoto ko
  • nasa makabagong panahon na tayo
  • di mo ba nalalalaman kung mabagal ka at nahuhuli sa uso?
  • kaya nga sa pagtatanim
  • komersyal ang gamitin mo
  • madali kang yayaman
  • kasi malaki ang ani mo

Glen:

  • yumaman ka man o magkapera
  • sa dami ng iyong kita, sa pagkain ng ani mo, paano kung magkasakit ka
  • aanhin mo ang pera mo kung sa ospital din ang tungo
  • mauubos din yan, nabalda pa ang katawan mo
  • hindi mo ba naiisip, hindi mo ba nalalaman
  • ito’y bilin ng markapal, kalikasa’y alagaan
  • sa organikong pamamaraan marami kang pwedeing gawin
  • vermicompost, fpj, labs at ohn
  • kahit lahat gamitin mo, maganda rin ang ani mo
  • kalugod lugod sa Diyos itong ginawa mo
  • ala ahoy, mahal kong katoto
  • tanda mo ba noong October 22?
  • tayo ay nagharvest ng pechay pareho
  • di ko naluto kabahagi ko dito
  • dahil balak kong sa darating na sabado
  • Oktuber 25, illuto ito,
  • at babaunin ko sa pagtungo sa trip ko
  • aba, aba, aba, aba, anong gulat ko
  • sariwang sariwa pa itong inani ko
  • ito’y patunay na magaling ang organiko
  • kaya katoto ko, alisin na ang pride mo
  • organikong pamamaraan ngayo’y ibantog mo
  • talikdan mo na ang makakomersyo
  • ngayong umaga tayo’y magsalo
  • ibandera natin sa lahat ng tao
  • organikong produkto ang tangkilin mo

Valentina:

  • kumbinsido na ako sa mga sinabi mo
  • talagang napapanahon na ang patabang organiko
  • kaya sa iyo katoto ko
  • umasa ka na magkakatuwang tayo
  • sa pagpapaunlad ng mga halamang organiko

Kuya Obet:

  • napakining na ninyo ang paksa ng bawat panig
  • sa palagay ko nama’y lahat tayo ay nakinig
  • iiwan ko ngayon sa inyo ang bigay ng bawat panig
  • saan nga ba kayo, sa commercial or organic?
  • timbangin ninyo ngayon sa inyong mga isip
  • mga katoto ko, bago tayo magtapos
  • masigabong palakpakan, igawad nating lubos
  • sa dalawang magkatunggaling talino’y ibinuhos
  • upang masiyahan tayo sa ating pagtatapos

 

ibaan farmers field training on organic farming iba ang ibaan ethel caiga mayor danny toreja 3 ibaan farmers field training on organic farming iba ang ibaan ethel caiga mayor danny toreja 4 ibaan farmers field training on organic farming iba ang ibaan ethel caiga mayor danny toreja 5 ibaan farmers field training on organic farming iba ang ibaan ethel caiga mayor danny toreja 6 ibaan farmers field training on organic farming iba ang ibaan ethel caiga mayor danny toreja 7 ibaan farmers field training on organic farming iba ang ibaan ethel caiga mayor danny toreja 8 ibaan farmers field training on organic farming iba ang ibaan ethel caiga mayor danny toreja 9 ibaan farmers field training on organic farming iba ang ibaan ethel caiga mayor danny toreja 10 ibaan farmers field training on organic farming iba ang ibaan ethel caiga mayor danny toreja 11 ibaan farmers field training on organic farming iba ang ibaan ethel caiga mayor danny toreja 12

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s