Career Orientation Sa Maximo Hernandez MNHS, Isinagawa

DOLE Provincial Office Representative Ms. Rochelle.
DOLE Provincial Office Representative Ms. Rochelle.

Isinagawa ang isang career orientation seminar sa Maximo Hernandez Memorial National High School na dinaluhan ng mga 4th year students, October 1.

Ang Career Orientation Seminar ay isa sa mga programa ng Public Employment Service Office (PESO) ng lokal na pamahalaan ng Ibaan. Ito rin sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Batangas Provincial Office ng Department Of Labor and Employment (DOLE).

Layunin ng programang ito na mabigyang gabay ang mga magsisipagtapos sa sekondarya sa pagpili ng kurso sa kanilang kukunin sa kolehiyo.

Sa isinagawang orientation, ipinakita at isinalarawan ni Ms. Rochelle, representante ng DOLE, ang kasalukuyang sitwasyon sa bawat sektor ng hanap-buhay. Binigyang paalala din niya ang mga estudyante na, bagama’t kasama ang impluwensya ng mga magulang at kaibigan, makabubuti na pumuli ng kurso base sa “demand” o pangangailangan ng merkado.

ibaan peso and dole career orientation at maximo hernandez memorial national high school malainin ibaan batangas mayor danny toreja 2Binigyang-diin din niya ang ahensya na maaari pang makatulong sa pagbibigay linaw sa mga sistema ng mga kumpanya at kung paano ang mga isinasagawang paghahanap ng mga empleyado.

Inaasahan na ang ganitong programa ng PESO at DOLE at patuloy na isasagawa sa mga paaralan sa bayan ng Ibaan. At ang Maximo Hernandez MNHS ang una sa nabigyan ng pagkakataon ng nasabing programa.

This slideshow requires JavaScript.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang pamunuan ng paaralan lalo na ang Guidance Office dahil isa rin ito sa mga programa na nais nilang isagawa sa kanilang mga mag-aaral.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s