Canon Philippines Recruitment Sa Ibaan

canon philippines ibaan local recruitment activity september 12 2013 2
Canon Philippines Business Machines (Philippines), Inc.

Sa makailang ulit na pagkakataon, muling nagsagawa pangangalap ng empleyado ang kumpanyang Canon Philippines sa Ibaan, Setyembre 11.

Sa nauna na nilang anunsyo, nangangailangan sila ng production operators, technicians, IT Specialists, office staff at mga engineers. Ang kanilang pagbalik sa Ibaan ay bahagi pa rin ng kanilang patuloy na pakikibahagi sa Local Recruitment Activity Program ng lokal na pamahalaan ng Ibaan sa pangunguna ng opisina ng Punong Bayan.

Mula sa 32 na dumating, pinalad na makonsidera para sa “final interview” ang 9 na aplikante: 7 bilang production operators  at 2 naman bilang office staff na pawang kababaihan.

Sa sistema ng Canon Philippines, prayoridad nila ang babaeng empleyado. Ganon pa man, ikinunsidera pa rin nila ang may 4 pang aplikante na mga kalalakihan.

Bagama’t marami ang hindi pinalad, tinutulungan pa rin sila ng lokal na pamahalaan na makahanap ng trabaho sa pamamagitan ng pagbibigay prayoridad sa kanilang mga “resume” na maunang maibigay sa iba pang mga kumpanya sa dumarating sa Ibaan para pa rin sa katulad na aktibidades.

Buwan-buwan, pinipipilit na magkaroon ng mga ganitong pagkakataon sa bayan ng Ibaan.

Para sa mga interesadong aplikante, mangyari lamang na makipag-ugnayan kay Ms. May D. Bagui, Office of the Mayor. Maaari din tumawag sa telepono, 0999-706-9303 / 311 – 7950.

More photos.

canon philippines ibaan local recruitment activity september 12 2013

canon philippines ibaan local recruitment activity september 12 2013 1

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s