69 Estudyante, Iskolar Ng Bayan Ng Ibaan

(Image Source: www.crushable.com)
(Image Source: http://www.crushable.com)

Umabot sa animnapu’t siyam (69) ang bilang ng mga estudyante sa kolehiyo ang kasalukuyang nabiyayaan ng “scholarship program” ng lokal na pamahalaan ng Ibaan para sa unang semestre, taong 2013 – 2014. Mula sa nasabing bilang, dalawampu’t anim (26) dito ang sinusuportahan ng AVE Partylist.

Bawat semestre, tumatanggap sila ng halagang P10,000.00 bilang suporta sa kanilang pag-aaral.

Upang mapanatili ang scholarship, pangunahing “requirement” ng lokal na pamahalaan ang hindi pagkakaroon ng grado na 2.75, o katumbas ng 78% – 80%. Kung sakali na ganito ang kanilang magiging grado, maari silang matanggal sa susunod na semestre mula sa listahan ng mga “scholars”. Sa ganitong paraan din magkakaroon ng pagkakataon ang lokal na pamahalaan upang tumanggap ng panibagong “scholar”.

Sa kasalukuyan, pumapasok sila sa mga schools tulad ng Batangas State University, University Of Batangas, AMA Computer, De La Salle – Lipa City, Westmead International School, Kolehiyo Ng Lungsod Ng Lipa, Luansing College, Far Eastern University, Lyceum of the Philippines University – Batangas, at Meralco Foundation.

Iba’t ibang kurso naman ang kanilang pinapasukan tulad ng Dentistry, Accountancy, Education, Hotel and Restaurant Management, Legal Management, Business Administration, Marine Transportation, Engineering, Information Technology, Nursing, Architecture at iba pa.

Ang scholarship program para sa kolehiyo ay nagsimula noong 2011. Patuloy pa rin sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ang opisina ng Punong Bayan upang maparami pa ang bilang mga mabibiyayaan ng ganitong programa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s