Lyceum Tourism Students, Bumisita Sa Ibaan

Josie Catapia, isa sa mga magha-habi ng Sitio Sta. Margarita, Brgy. Munting Tubig.
Josie Catapia, isa sa mga magha-habi ng Sitio Sta. Margarita, Brgy. Munting Tubig.

Bumisita ang isang grupo ng Tourism students ng Lyceum Of The Philippines University – Batangas sa Ibaan upang makita ang iba’t ibang lugar at bagay na may potensyal para sa turismo.

Kasama si Municipal Tourism Officer Myla Guerra – Soriano, dalawa sa una nilang pinuntahan ay ang habi ng Sitio Sta. Margarita, Brgy. Munting Tubig at ang Vilela’s Farm sa Brgy. Pangao.

Sa habihan, ikinuwento ni Josie Catapia, isa sa mga naghahabi, ang pinagsimulan at ang kasalukyang estado ng kanilang habi.

Pagdating naman sa Vilela’s Farm, ipinasyal ang grupo ni Maila Vilela – Toreja sa buong farm habang inilalahad ang kanilang pagsisimula, ganun ang mga halaman na matatagpuan sa lugar. Naibahagi din ni G. Maila ang pagtataguyod niya ng organic farming na siyang kanyang ginagawa sa kanyang farm.

Si Maila Vilela - Toreja (kaliwa) habang ipinapakilala ang ilan sa mga halaman sa kanilang farm.
Si Maila Vilela – Toreja (kaliwa) habang ipinapakilala ang ilan sa mga halaman sa kanilang farm.

Ang pagbisita ng mga estudyante ay bahagi ng kanilang kurso kung saan magsasagawa sila ng pag-aaral tungkol sa turismo ng isang bayan. At Ibaan ang napili nila. Sa pagtatapos ng kanilang pag-aaral, magbibigay sila ng mga suhestyon sa lokal sa pamahalaan upang mapalakas at mapakilala ang turismo ng bayan, partikular ang mga produkto at lugar dito.

Matapos ang habi at Vilela’s Farm, nagpatuloy pa sila sa pagbisita sa iba pang mga lugar sa Ibaan, kasama pa rin si G. Soriano.

lyceum tourism students visit munting tubig habi2vilela farm tour with lyceum students 1 vilela farm tour with lyceum students 2 vilela farm tour with lyceum students 3 vilela farm tour with lyceum students 4 vilela farm tour with lyceum students 5 vilela farm tour with lyceum students 6 vilela farm tour with lyceum students 7 vilela farm tour with lyceum students 8 vilela farm tour with lyceum students 9 vilela farm tour with lyceum students 10 vilela farm tour with lyceum students 11 vilela farm tour with lyceum students 12 vilela farm tour with lyceum students 13

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s