71 TESDA Iskolar Ng Ibaan, Nagsipagtapos

ibaan tesda scolars coomputer hardware servicing mayor danny toreja aclc lipa ibaan batangas 6
Si Mayor Danny Toreja habang pinipirmahan ang mga sertipiko ng mga nagsipagtapos.

Sa isang simpleng programa, opisyal na kinilala ang pagtatapos ng 71 iskolar ng pamahalaang bayan ng Ibaan sa TESDA sa kursong Computer Hardware Servicing noong ika-12 ng Agosto.

Ang libreng kurso ay isinagawa mula March 3 hanggang April 29, 2013. Isang kurso mula sa TESDA, naisakatuparan ito sa pamamagitan ng ACLC Lipa City na kilala namang kaakibat ng TESDA sa paghahatid ng mga katulad na kurso.

ibaan tesda scolars coomputer hardware servicing mayor danny toreja aclc lipa ibaan batangas 4 dante dela pena sto nino
Barangay Chairman Dante Dela Pena ng Brgy. Sto. Nino bilang isa sa mga nagsipagtapos.

Mula sa mga nagsipagtapos, 37 naman ang pinalad na makapasa sa “assessment test” at nagkamit ng sertipiko na “NC II” o National Certificate Level II na kinikilala naman ng gobyerno.

Sa pagbibigay ng kanilang mga sertipiko sa kanilang pagtatapos, nagbigay naman ng habilin si Mayor Danny Toreja. Aniya, magagawa ang mga bagay na hinahangad sa pamamagitan ng pagtutulungan. “Tinulungan namin kayo upang magkaroon ng kaalaman. Tulungan din naman ang ating mga sarili sa pamamagitan ng paghahanap ng trabaho at maging masisgasig sa pagtupad ng tungkulin. Pero sa abot ng aming makakaya, tutulungan pa rin namin kayo na makahanap ng trabaho.”

ibaan tesda scolars coomputer hardware servicing mayor danny toreja aclc lipa ibaan batangas 3
Ang sertipiko na nagpapatunay ng pagtatapos at pagkilala ng TESDA.

Naging tawag pansin naman ang pagtatapos ng ilan na kahit may edad na, nakipagsabayan pa rin sa mga kabataan. At kahit ang isang Barangay Chairman at hindi pinalampas ang pagkakataon.

Katulad na lamang ni Barangay Chairman Dante dela Pena ng Brgy. Sto. Nino. Aniya, “Isang malaking panghihinayang kung palalampasin ang ganitong pagkakataon na matulungan natin ang ating sarili.”

Sa susunod na mga buwan, muling mangangalap ang TESDA, ACLC at lokal ng pamahalaan ng Ibaan ng mga magnanais na mag-aral ng libre sa katulad na kurso o sa iba pa.

ibaan tesda scolars coomputer hardware servicing mayor danny toreja aclc lipa ibaan batangas 1

ibaan tesda scolars coomputer hardware servicing mayor danny toreja aclc lipa ibaan batangas 2

ibaan tesda scolars coomputer hardware servicing mayor danny toreja aclc lipa ibaan batangas 5

Mayroon pang mga naunang training na naisagawa tulad ng Call Center Agent Training at Event Management Training. Ang mga ito ay mga libreng training na hatid ng pamahalaang lokal at naisakatuparan din ng ACLC Lipa City. Mayroon din itong kaakibat na NC II at kinikilala ng TESDA.

Narito ang mga nagsitapagtapos ng kursong Computer Hardware Servicing at nagkamit ng NC II:

  • Briones, Ma. Cecelia A.
  • Carandang, Junneil A.
  • Catipon, Walter H.
  • Claus, Marissa B.
  • De Castro, Leandro L.
  • Dela Pena, Jayson P.
  • De Leon, Jomari G.
  • Dela Pena, Dante O.
  • Dimaano, Anie I.
  • Garcia, Darwin M.
  • Geralde, Joana Marie C.
  • Guerra, Clevan Reeve A.
  • Intac, Philip Ian Q.
  • Manahan, Tomas Jr. G.
  • Medrano, Ronald R.
  • Tabasin, Mark Anthony P.
  • Villagomez, Rene V.
  • Andal, John Henry R.
  • Bagsit, Mark Joseph L.
  • Bulanhagui, Kate Roxanne R.
  • Catipon, Erl June R.
  • Chavez, Evan James C.
  • Delgado, Feleciano A.
  • Dimaano, Aldwin A.\
  • Patrocinio, Joselyn P.
  • Rivera, Von Jovy M.
  • Samson, King Aldrin L.
  • Escobio, Rances Angelico A.
  • Geraldino, Roel P.
  • Labador, Jaypee P.
  • Magtaas, John Kenneth V.
  • Millona, Gllen G.
  • Pasia, Mardec V.
  • Roallos, Nerissa R.
  • Roallos, Jayson R.
  • Serrano, Kelvin D.
  • Torralba, Arvin Paul M.

Mga nagsipagtapos ng Computer Hardware Servicing:

  • Aclan, Earl Vincent C.
  • De Castro, Jessie M.
  • De Castro, Alfredo R.
  • Guerra, John Marc A.
  • Pasia, Rex G.
  • Peniero, Christ Mae N.
  • Ramos, Gabriel C.
  • Tacorda, Edgar D.
  • Barte, Al Christian Z.
  • Barte, Athena Lea Z.
  • Cantor, John Ray D.
  • Clado, Jeck-Jeck V.
  • Cometa, Danilo A.
  • Dote, Francis Ian M.
  • Ilagan, Casiano Jr.
  • Macali, Mark Edward R.
  • Papio, Armond Bien D.
  • Papio, Danny C.
  • Porino, Mary Rose Z.
  • Quesada, Tedjamin S.
  • Ramos, Jackielou D.
  • Repollo, Reynaldo V.
  • Tenorio, Joseph Bernard C.
  • Geron, Darren M.
  • Gonzales, John Paul M.
  • Joven, Matt Andrew G.
  • Leongson, Mariecris G.
  • Marasigan, Darwin D.
  • Masangkay, Mark Robin D.
  • Quizon, Albert E.
  • Rivera, Ernan C.
  • Tappa, Vincent Jay D.
  • Valenzuela, Aldfonso Cecilio P.
  • Zambra, Mary Faith A.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s